..."kuntento na ako sa kung anong meron ako"...
Ito ang madalas nating marinig sa mga tao na palaging sinasabi na kuntento na sila sa buhay nila at sa kung anong meron sila. Pero gaano nga ba katotoo ang mga katagang ito, at may katotohanan nga kaya ang mga ito?
kung ako ang tatanungin, hindi ako naniniwala sa mga ito. Baket? Kasi sa palagay ko, lahat ng tao, may hinahanap. Lahat ng tao nagbabago, may pagbabago at magkakaroon ng pagbabago. Sino nga ba ang ayaw ng bago sa buhay nila? Sino nga ba ayaw ng pagbabago? Kahit naman sino, gusto magkaroon ng pagbabago sa buhay nila.
Pero bakit nga ba ganito ang takbo ng utak ng tao? Bakit hindi na nga lang sila makuntento?
Sa palagay ko kasi, hindi lahat ng nakukuha natin sa ating mga buhay ay kumpleto na ayon sa sukatan o hinahanap natin. Lahat may kakulangan, lahat may kahinaan. Kahit nga ang pinakasikat na mall ay may kakulangan din. Natatandaan ko pa noong bata pa ako, pinapangarap kong tumira sa SM, halos lahat kasi nandoon na: Pagkain, damit, pabango, sapatos, tsinelas at kung anu-ano pa. Pero habang tumatanda ako, napapaisip ako, paano kapag nagkasakit ako? Paano ako gagaling sa SM? Ewan ko kung ako lang ang nakakapansin, pero saang branch ba ng SM ang may Mercury Drug Store sa loob? Madami- dami na ding mga branch ng SM ang napuntahan ko, pero ni-isa, wala pa akong nakitang Mercury Drug Store.
Sa buhay nga tao, hindi din maiiwasan ang paghahangad ng mas ikabubuti para sa atin. Tulad na lang ng edukasyon; pinipilit nating makatapos ng elementary, high school at kapag kinaya, pati college at kung sobra sobra pa, ilang kurso pa ang tinatapos. Baket? Kasi sabi nila, mas maganda ang oportunidad ang makukuha kapag mataas ang pinag-aralan mo. Tama naman sila, maganda nga ang magiging hinaharap nila kapag nagkataon, pero ang katwiran ng iba, wala sa taas ng pinag-aralan yan, nasa diskarte yan.
Kung ang pagiging kuntento ang sukatan para maging isang mabutung tao, sa palagay ko ay wala ng mabubuhay na mabuti, pero sa tingin ko, kung para din naman sa ikauunlad mo at ng pagkatao mo, wala ding masama.
Wednesday, August 4, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment