..”anak ha!., wag kang maglalaro dun sa may tabing ilog. Bawal maglaro don!..
Bata pa lamang ako ay namulat na ako sa pangaral ng mga magulang ko. Pinuno nila ako ng pangaral at pagmamahal. Yun bang tipo na kada galaw mo eh andyan sila para bantayan ka kung tama o mail ang ginagawa mo. Na animo’y isa kang preso na ingat na ingat ang bawat galaw mo sapagkat natatakot ka na baka mapagalitan ka nina Inay at Itay. Ngunit sabi nga likas na talaga sa mga batang kagaya ko ang kakulitan. Minsan nga mapapa-isip na lang ako bigla “bakit nga ba nila ako pinagbabawalan maglaro sa may tabing ilog? Ano bang meron dun? Bakit kaya lagi akong pinagbabawalan ni Inay na pumunta dun?” Minsan sa kakaisip ko, natutukso akong pumunta sa lugar kung saan ay mahigpit na ipinagbabawal sa akin, sabi ko pa sa sarili ko “titignan lang naman eh”, tapos minsan magtatalo pang ang kunsensya ko kung gagawin mo nga ba yun o hindi kasi natatakot ka na mapagalitan ka. Sa kalaunan, natagpuan ko na lang ang aking sarili na naglalakad patungo sa ilog. Sa lugar na kung saan ay mahigpit na ipinagbabawal sa akin.
Dala ko ang kaisipang iyon hanggang sa pagtanda ko. Marami-rami na rin akong kasalanang nagawa sa mga magulang ko. Mga utos nila nya siyang sinusuway ko minsan. Katwiran ko “bakit? Hindi naman nila malalaman eh!” pareho kasing may trabaho sina Inay at Itay kaya hindi nila ako gaanong natututukan sa pag-aaral. Marami kung sa marami ang mga kalokohan ginawa ko noong ako’y elementarya pa. Natututong mag-mura, sumagot ng pabalang kina Inay at Itay, at sumama sa maling barkada o pangit na mga ehemplo. Kung minsan pa nga napapabayaan ko ang aking pag-aaral ng dahil lang sa pagbubublakbol.
Pagtungtong ko naman ng sekondarya, medyo naging matino naman ako kahit papano. Mas naging dedikado ako sa pag-aaral, hindi na masyado napapabarkada, ngunit hindi pa din na aalis na minsan talaga ay nakakagawa din ako ng pagkakamali. Tulad na lang ng palaging bilin ni Inay… “walang syota, syota ha!”. First year pa lang ata ako eh me syota na ko eh. Ano bang paki nila? Uso yun eh, dapat makisali sa uso.
At ngayon… isa na akong ganap na propesyonal. Oo tama ang nabasa nyo! Nakatapos ako ng pag-aaral hanggang sa kolehiyo. Naigapang ako nina Inay at Itay, at kasalukuyan akong nagtatrabaho sa isang lugar kung saan ay marami kang pinaglilingkuran na tao. Ayos lang naman, sumisweldo ng tama. Masasabi kong masaya ako sa buhay ko ngayon. At kung akala nyo wala na akong kasalanang nagawa sa pamilya ko? Dyan kayo nagkakamali. Nagyon ko na ata nagawa ang pinaka malaking kasalanan na magagawa ko sa pamilya ko lalo na kina Inay at Itay.
Sa nagayon, kasama ko ang aking pinaka mamahal sa buhay. Alam ko at alam nya na mali, ngunit sa kabila noon ay itinuloy pa din namin.
Bakit nga ba masarap gawin ang bawal? Ewan ko, hindi ko alam. Hanggang ngayon ay gulong gulo pa ako sa mga nangyayari sa buhay ko. Alam mo ba yung tipo na ayaw mo ng ituloy pero natatakot ka matapos? Ako? Alam ko sa sarili ko na gumagawa ako ng bawal na hindi ko alam kung ano ang kahihinatnan nito sa banding huli. Alam ko din na ako din ang talo pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung bakit itinutuloy ko pa ang laban na alam ko ay dehado ako.
Wednesday, March 21, 2012
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment