Saturday, June 12, 2010

B E N

..''you've got a friend in me''..

Natatawa ako kapag naririnig ko ang awiting 'Ben' ng Jackson5. Ilang beses ko na ding paulit-ulit na narinig ang awit na iyon at ewan ko ba kung bakit, basta kapag naririnig ko ang kantang 'yon, naiinis ako.

..bakit ba kinompose pa yung kantang yun, halos paulit-ulit lang naman ang lyrics, ang boring pa ng tyempo. Sino ba naman ang gaganahan dun?

Dala ko ang pag-uugaling 'yon hanggang sa pagtanda ko: ang pagkamuhi sa awitin na pinamagatang 'ben'.

Isang linggo ng umaga, habang naglilinis ako ng bahay, sa hindi inaasahang pagkakataon... muli kong narinig ang pinaka-ayaw kong kanta mula sa karaoke namin. Gustuhin ko mang patayin o ilipat na istasyon ang karaoke namin, pinigilan ko ang aking sarili. Nakikinig at sumasabay kasi ang mama ko sa kantang iyon, at alam ko, bi-bingo ako kapag ginagawa ko kung ano man ang nasa isip ko.

Kahit naiinis, hinintay ko na lang matapos ang kanta. Habang patuloy akong nagpupunas ng patungan ng TV namin, narinig kong nagsalita si mama.

..''alam mo ba anak kung anong nilalang si Ben?''..

Sandali akong natigilan ng marinig ko yun, ngunit pinagpatuloy ko na din ang ginagawa ko.

..''as if i'm interested; as if i care''..

Hindi ko isinatinig ang mga katagang iyon, hanggang sa marinig ko ulet si mama.

..''si Ben ay isang daga''..

Gustuhin ko mang matawa sa sinabi ni mama, mas pinili ko na lang manahimik.

Kaya naman pala inaayawan si 'ben', iyon pala ang dahilan.

Kinabukasan araw ng Lunes, agad akong pumasok sa eskwela. Nakasama ko na naman ang mga kaibigan ko. Habang naglalakad, bigla akong kinulit ng classmate ko.

Sinasakal ako, at kinukuha ng palihim ang wallet ko. Dahil sa hindi na ako makapagtimpi, tinulak ko sya. At nasugatan mula sa kanyang pagkakadapa.

Mula noon, hindi na nya ako kinulit. Akala ko nung una, tapos na ang problema ko, tapos na ang mga nanggugulo sa isip ko. Hindi pa pala.

Isang linggo ang nakalipas mula ng mangyari ang insidenteng 'yon, habang naglalakad ako, may nabasa ako sa bulletin ang sabi...

..''tama ka ____, dapat kalimutan na ang mga taong walang kwenta''..

Alam kong, ako ang tinutukoy dun sa salitang 'taong walang kwenta'. Baket ko nasabi? Kasi ako lang naman ang nakabangga ng taong nagdikit ng papel na yun sa bulletin. Ayos lang sana kung sya lang, pero may napasabit na pangalan si 'blank'.

Isa sya sa mga kaibigan ko na labis kong pinagkakatiwalaan.

Bakit sya pa? Bakit isa pa sa mga matatalik kong kaibigan ang naghamak sa 'kin, at sa pagkakasabi dun sa sulat, parang sa kanya pa nag mula yung salitang 'walang kwenta'.

Buong akala ko, naintindihan nya ako kung bakit ko nagawa yun, hindi pala. Kung sino pa yung aasahan kong magiging sandigan at karamay ko, sya pa pala yung aapak sa 'kin.

Bigla kong naisip si 'ben' ng mga pagkakataong iyon. Halos pareho pala kami ng kapalaran. Walang kakampi. Mas mabuti pa nga sya, meron na syang kaibigan. Eh ako? Madami ngang kaibigan, pero hindi ko naman alam kung talagang kakampi o kaibigan ko.

Ang hirap palang magpaliwanag ng mga bagay na akala mo maiintindihan nila. Ang hirap ng kalagayan ng pakiramdam ko ngayon, gustuhin ko mang umiyak dahil sa sobrang sama ng loob. Hindi ko magawa.

Kaya nag papasalamat ako ng madami sa nakaimbento ng blog. Kasi kahit papaano, may matatakbuhan at masasabihan ako ng mga problema ko na hindi ko mai-share sa family ko. Maraming salamat talaga. :c

No comments:

Post a Comment