''geeanne!! geeanne??''
..nagising ako sa pag tawag sa 'kin ng barkada kong si Joebert mula sa labas ng bahay namin.
Ano ba? Ang aga-aga pa. Hinanap ko ang cellphone ko para tignan kung anong oras na, at grabe tumalak 'tong mokong na 'to.
Aba, tinamaan ng magaling, wala pang alas-6. Naka-alarm naman ang cellphone ko ng 6:30? Nauna pa syang mambulabog?
Dali-dali akong bumaba para puntahan si Joebert, halos patakbo kong tinungo ang pintuan namin para harapin sya at hindi alintana kung ano man ang itsura ko. Kung may 'morning star' pa ako o mas kilala sa tawag na 'muta', ay wala akong pakialam, basta kailangan maharap ko ang lalaking ito na nagsilbing alarm clock ko ng araw na iyon.
Pag dating ko sa may pinto, ayun at nakabihis na nga sya. Pupunta kasi kami ng San Pablo para kumuha ng tax exemption. Nag-apply kasi kaming bilang SPES (Special Program for the Employment of Students). Para magkaroon ng pagkaka- abalahan habang bakasyon, at syempre para magkaroon ng sariling kita o income.
Kahit tinatamad pa akong kumilos ng mga oras na iyon ay wala akong nagawa. Pagka- alis ni Joebert, agad akong bumalik sa kwarto para ayusin ang pinag higaan ko, at pagkatapos non... dali-dali akong naligo.
Alam kong imposible para sa 'kin na magawa 'yon sa loob lamang ng 10 minuto, pero heto. Nagawa ko. Imagine, nakapaligo at nakapag-ayos na ako ng wala pang 30 minuto.
Pag katapos ko mag-ayos, agad akong bumaba para humingi ng pera kay mama at umalis na ako, nakakahiya kasi, baka ako na lang ang hinihintay.
Pero pag dating ko dun... halos wala pa pala ang lahat... langya, nagoyo ako dun ah... hindi na nga ako kumain ng almusal para makahabol tapos ganun?
Kahit naiinis ako, pinilit ko na lang pakalmahin ang sarili ko. Sayang ang ganda ng umaga kung sisirain ko lang ng dahil dun.
Ilang minuto pa ang nakalipas, nagpasya na ako na magpabili ng pagkain sa tindahan. Isang fudgee bar at pop ang almusal ko. At sa totoo lang, nun lang ako nakapag almusal ng may softdrinks?? Tama, naka dalawang pop ako nun.
Ilang minuto pa ang nakalipas, natapos din sa paliligo ang hinihintay namin. At ayun, tuluyan na kaming naka-alis ng Mabitac, gamit ang isang tricycle. Tama, tricycle ang sinakyan namin papuntang San Pablo.
Ilang kwentuhan din ang naganap sa loob ng tricycle na animo'y nakasakay ka sa space shuttle sa sobrang bilis mag patakbo ng driver. Malos maiwan ang kaluluwa namin ng mga kasama ko. Ang bilis talaga.
At ayon, sa hinabahaba man ng oras ng pagsakay namin sa roller coaster... este sa tricycle pala, natapos din namin ang lahat ng dapat namin gawin, at naipasa namin ang lahat ng dapat naming ipasa...
At dumating nag araw ng Lunes, eto na... the moment of truth kung baga, simula na ang araw ko bilang isang empleyado sa munisipyo namin. Nung una, hindi ko inisip na mahirap ang trabaho ng isang spes, anong mahirap sa pagse-survey? wala naman 'di ba?
Nung una, ilag pa akong magsalita ng magsalita. Hindi ko pa kasi ganun ka-kilala ang mga mga kasama ko. Pero nang tumagal, nakasundo ko din sila. Okay din palang kasama 'tong mga 'to. Kalog at siraulo din katulad ko.
Ilang pagpapalitan pa ng opinyon ang dumaan at pagkatapos non... dinala na kami sa aming unang destinasyon sa pagse-servey. Sa barangay Paagahan.
Pagdating namin doon, agad naming tinungo ang barangay hall para humingi ng pahintulot sa kanilang kapitan, at katulad ng inaasahan namin, syempre pumayag din sya.
Matapos ang mahaba-haba ding diskusyon na sa tingin ko ay umabot ata ng kalahating oras o higit pa, agad na naming sinimulan ang aming trabaho... nag-umpiasa na kaming magbahay bahay.
Noong una, akala ko madali. Hindi pala. Mahirap din maglakad sa initan na wala man lang na kahit anong panangga sa mataas na sikat ng araw. Pero kahit ganon pa man, masaya ako sa ginagawa ko, dahil marami akong nakikilalang tao. Minsan, hindi lang sila ang ini-interview ko, pati sila... ini-interview din ako.
Kahit nakakapagod ang isang buong araw na pagpapalakd- lakad, pagpapahabol sa mga aso, pagpara sa iba't ibang mga sasakyan para makisakay at makarating ng mas mabilis sa mga dapat puntahan... masaya pa din. Lalo na kapag nakikita mo ang mga papel na nasurvey mo, kung gaano kadami, kung gaano kakapal, at kung gaano kanipis. ayos lang, hindi naman kasi masyadong ramdam ang pagod kapag magkakasama kami.
Lahat ata ng masayang pwedeng maranasan ay naranasan ko sa mga kasama ko. Naranasan kong mag star gazing kina Rennier at humiga sa karton kahit magilik ang kalsadang pinaglalatagan namin. Ang pagtakas namin para lang maiwasan si "ehem" at mag-enjoy sa panonood ng huling meeting de avance.
Ang night swimming na unang beses kong naranasan sa talambuhay ko,Ang malasing ng sobra-sobra, ang pagpipinoy henyo sa tabi ng pool, at ang miya't miyang pakikipag-picturan kasama ang lahat at si Kuya Andrew.
Lahat ata ng mag bagay na ginagawa namin ay mami-miss ko ng sobra... hindi dahil 30 araw lang kami magkakasama- sama, kundi dahil ito na ang una't huling beses ko sa SPES. Hindi na kasi pwede kapag graduating na... kaya lahat ng mga nararanasan namin, ay talagang tumatatak sa isip ko.
At ngayon ang huling araw ko, bilang SPES, hindi ko maiwasang malungkot, hindi ko mapigilan na maging emosyonal. Pero kahit ganun pa man. Ako ay labis labis na nagpapasalamat sa lahat ng aking mga nakasama sa loob ng tatlumpung araw ng aking paglilingkod sa aming bayan.
Kay Kuya Andrew na laging nagpapasensya sa kakulitan at kaingayan namin, kina Tito Norbie at Tito Arnold na nag papasensya sa pagiging magulo namin ng aking mga kasama.
At sa lahat ng mga kasamahan ko, kina Maecy, May, Dianne, Nikka, Lhaica, Cyril, Kristel, Janneth, Joebert, Erwin, Rennier, Eucluive, at Rex... maraming maraming salamat sa pagbibigay nyo sa akin ng pagkakataon na makilala at makasama kayo kahit na sa maikling panahon lang. Tinanggap at binuo nyo ako, bilang ako. Maraming maraming salamat sa lahat.
.."for all the things we've shared, for the endless times we cared, for helping me through good times and bad times... for the laughter, jokes and funny lines...
for being part of my life, seryoso 'to.....
"THANK YOU"
Thursday, June 3, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment