..''when i'm down, you're there, brighten up my darkest day, you always showing me the way. 'Coz with you, my friend, i don't have to be afraid, you're the one i can depend''..
hindi ba't kay ganda ng ibig sabihin ng linya ng awiting pinamagatang 'bestfriend'.
Hindi ba't kay saya sa pakiramdam na palaging kang may karamay, may nag-aalaga sayo, may umaalala, may pinagsasabihan ng problema. Minsan nga kahit lihim mo sinasabi mo sa kanya... kaya nga may kasabihan na...
'bestfriend, best enemy'
ako? madami na akong naging best friend, iba-iba ang ugali nila. May masunget, may masayahin, may sobrang dependent. Lumaki akong boyish kaya puro lalaki ang naging bestfriend ko.
Tandang tanda ko pa yung unang una na naging bestfriend ko. Mula grade 2 bestfriend ko sya. Akala ko pang habang buhay na ang pagiging mag bestfriend namen, pero lahat yun, naputol lang sa isang iglap.
Sa isang insidente na hindi ko alam na malaki ang naging kasalanan ko.
Isang gabi, tinanong ako ng mama ng bestfriend ko, tinatanong kung nasaan daw sya, since parang nanay na din ang turing ko sa kanya, nagsabi ako ng totoo.
'nakina Roseann po'
yun lang ang tangi kong sinabi. Wala naman akong alam na pinagbawalan na sya pumunta dun sa girlfriend nya.
Kinabukasan, tinawag ako ng bestfriend ko. Syempre masaya ako, kasi tinawag ako ng bestfriend ko. Pagkalapit ko sa kanya, nakita ko sya na namumugto ang mata. Pag dating ko sa kanya, bigla nya kong tinanong
'bakit mo ko sinumbong sa nanay ko?'. Hindi pa man ako nakakasagot, muli syang nagsalita na dumurog sa pagkatao ko...
'wag mo ng papakialaman ang buhay ko kahit kelan ha'
Mula nun, nasira na ang pagkakaibigan namin.
Ngayon, meron na ulit akong bestfriend. Okay sya, sobrang bait at thoughtful. Akala ko, sya na ang papalit sa naging bestfriend ko ng halos 7 taon. Pero nagkamali ako, madami syang nilihim sa 'ken. Hindi ko alam kung dapat pa ba akong maniwala sa kanya. Ewan ko, gulung gulo ako. Ang akala ko kasi kapag bestfriend walang lihiman, at bawal magsinungaling. Pero, andito na 'to, kaya kailangan harapin ko.
para sa kanya...
''bhest, masaya ako at nakilala kita. Ipinaramdam mo sa 'kin kung gaano ang kahalaga sayo, at hindi ako tanga para hindi makita ang mga ginagawa mo saken, pero bhest, parang lumiliit na ang mundo natin. Marami nang nangyari na sumisira sa kung ano tayo. Pinipilit kong kumapit hangga't kaya ko, pero ikaw mismo ang nagbibigay ng dahilan para bumitaw.''
is it over bhest_22?
Wednesday, September 1, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment