.."gusto kong pumunta sa disney, magwi-wish ako kay genie, para maka-jam si Mickey, sa disney, disney, disney... Sa Disneyland"..
labis akong natutuwa sa twing naririnig ko ang awit na ito na pinasikat ng isa sa mga sikat na banda sa panahon ngayon... ang bandang Tanya Markova. Ang sarap kasi kung iisipin, para bang yung kanta ng kamikazee na ambisyoso. Yun bang, lahat ng bagay na naisin mo makukuha mo ng walang kahirap- hirap; eh sa totoong buhay, posible kaya to?
Minsan, naiisip ko, paano kaya kung magkaroon ako ng madaming- madaming pera? Siguro napaka-saya ko na. Sabi nga sa kantang billionaire... buy of all the things i never had, oo tama, kaya nga lagi kong hinihiling na magkaroon ako ng madaming- madami pera para masaya.
Sa paglipas ng mga araw, mula pag gising mo sa umaga, hanggang sa makita mo ang unti-unting paglamon ngkadiliman sa sikat ng araw, halos wala ka ng maiisip kundi 'paano kaya matatapos ang mga problema ko?'
Kasama na ata sa buhay ng isang tao ang magkaroon ng problema. Oo naniniwala ako dun, kasama na talaga yun, kaya nga siguro tayo binuo ng Diyos ay para tapusin ang mga problemang ibinigay sa atin... upang gampanan ang lahat ng bagay o katauhan na ibinigay sa atin, at sa panahong matapos na ang misyon natin dito sa mundo o sabi nga sa casper "unfinished business"... yun na siguro ang panahon na dapat na natin lisanin ang mundong ibabaw.
Kung lahat siguro ng tao sa mundo ay may sari-sariling Genie, wala na siguro tayong problema. Ngayon ko lang napagtanto na lubhang napaka-palad ni Aladdin dahil sya lang ang pinalad na magkaroon ng pinapangarap kong genie.
Ngunit kung iisipin, bakit nga kaya laging tatlong kahilingan lang ang binibigay ng mga genie sa pelikula? dahil ba hindi nila kayang ipagkaloob sa ating ang mga bagay na gustuhin natin na magkaroon tayo?
Magiging masaya kaya tayo kapag nakuha natin lahat ng gusto natin?
Yun ang akala ko dati, akala ko kapag nagkaroon ako ng pera, magiging masaya ako. Pero nagkamali ako, hindi lahat ng bagay nabibili ng pera. Sabi nga, 'Money can buy a house but not a home'
Sana, magkaroon ako ng genie at bigyan nya ako ng chance na humiling... kahit isang kahilingan lang, hihilingin ko na sana... maging masaya na ulit kami. Sana maging buo na ulit ang pamilya namin. Sana umuwi na ang papa ko.
Alam ko imposible pero hindi pa din ako nawawalan ng pag-asa na matupad ang tanging hiling ko...
ang maging kumpleto at masaya ulit ang pamilya ko.
Thursday, September 23, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment