''coz she's bitter sweet, she knocks me off my feet but i can't help my self, i don't want anyone else--''
..hay, narinig ko na naman ang kanta ng the click five na just a girl ang pamagat. Araw- araw naririnig ko yun, at isa ang ibig sabihin kapag narinig ko ang awit na yon... Umaga na, at nag-aalarm na ang cellphone ko.
Kahit tinatamad pa akong bumangon, pinilit kong hagilapin ang cellphone ko. Para patayin ang nag ngangawang alarm at tignan kung sino-sino ang mga nag text. Importante kasi sa 'kin ang araw na 'to. Araw ko ngayon, sa makatuwid... birthday ko.
Nang mahagilap ko na ang phone ko, dali-dali kong tinignan kung sino ang mga nakaalala. Na-exite ako ng sobra sa pag-aakala na madaming naka-alala ng kaarawan ko. Ngunit halos ibato ko ang cellphone ko ng mapag-alaman ko na wala man lang naka-alala kahit isa? Tama. Wala talaga.
Sinubukan kong buksan ang facebook account ko sa pag-aakalang may makaka-alala sa 'kin. Meron namang mangilan-ngilan. Pero yung mga malalapit sa 'kin? kahit tuldok wala silang iniwang mensahe.
Nalungkot ako ng sobra. Bakit? Wala ba talagang naka-alala sa mga kaibigan ko? Pero malabo eh, sila pa nga ang exited sa birthday ko noong mga nakaraang araw, tapos ngayon? Eto na, eto na ang hinihintay nila, pero ano? Wala.
Halos tamadin na ko sa pagpasok ng mga pagkakataon iyon. Pero hindi pa rin ako nawalan ng pag-asa. Umaasa pa din ako na kahit papano, may babati din sa 'kin sa school.
Dali-dali akong naligo at pumasok sa eskwela. Nakalimutan ko na nga kumain ng agahan sa pagmamadali. Pero pag dating ko dun, parang wala ding kakaiba. Yung mga kilos ng mga kaibigan ko, ganun pa din. Magulo. Maingay. Nagpapasaway. Gusto ko ng umiyak ng mga pagkakataong iyon. Wala talagang nakaalala sa kanila na birthday ko ngayon.
Wala akong gana mag-aral ng mga pagkakataon iyon. Ang sakit kasi. Wala man lang nag-greet.
Nung tumabi sa 'kin ang kaibigan kong si Len, tinanong ko kaagad sya.
'Neng anong araw ngayon? Wala ka bang nakalimutan?'
Parang gusto ko syang hambalusin ng libro ng sabihin nyang..
'Thursday. Bakit anong meron?'
Hindi na talaga maganda ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko, sasabog ang dibdib ko sa sobrang sama ng loob. Lumipas ang ilang oras, ay ganun pa din.
Ano ba yan? Nakalimutan nga nila. Gusto ko na nga isulat sa white board namin na birthday ko, kaya lang naisip ko... masyado na ata 'yun, mukha na 'kong nakakaawa kapag ginawa ko 'yon.
Hanggang sa mag-uwian, ganun pa din. Kaya nagpasya ako na wag na lang pumasok kinahapunan.
Pagdating ko sa bahay, tinawag ako ni mama...
..''anak, tara labas tayo, celebrate natin ang birthday mo''
Kahit papano, gumaan ang bigat na nararamdaman ko. Oo nga, nakalimutan ko si mama. Buti na lang nandyan sya.
Gustohin ko man lumabas kasama sya, mas pinili ko na lang ang manatili sa loob ng bahay. Nag-alibi na lang ako na masama ang pakiramdam ko at kailangan ko magpahinga. Hindi naman nya ako pinigilan kaya, pumasok na ko sa kwarto.
Iyak ako ng iyak sa mga sandaling iyon. Bakit ngayon pa? Birthday ko pa ang nakalimutan nila. Ilang sandali pa ang lumipas at nakatulugan ko ang pag-iyak.
Pag gising ko, agad akong bumaba para manood ng spongebob. Para kahit papano, maging masaya ako.
Alas-6 na ng gabi, wala pa din akong natanggap na kahit anong pagbati sa kanila.
Naaaliw na ko sa kakapanod ng biglang may kumatok. Hindi ko inintindi yon, at hinayaan kong buksan yun ni mama. Wala naman akong inaasahang bisita eh, kaya alam ko, si mama ang pakay ng kung sino mang Poncio Pilato ang kumatok. Nagulat na lang ako ng marinig ko si mama at sinabing may naghahanap sa kin. Hindi pa din ako natinag sa pagkakaupo, hanggang sa...
Isa-isang nagpasukan ang mga barkada ko, habang kumakanta ng happy birthday at may dala pang cake.
Sobrang nagulat ako. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Matutuwa ba o magagalit? Magiging masaya ba o malungkot? Ewan ko, basta hanggang ngayon nasa state of shock pa ko.
Hindi pala nila nakalimutan ang birthday ko, gusto lang nila ako i-surprise. Tama, nagtagumpay sila, nasurprise talaga ko. Gusto ko nga sila pagsasampalin sa inis at tuwa. Halo-halo na kasi ang nararamdaman ko ng mga sandaling iyon. Pinagti-tripan ba nila ako? Parang nasa wow mali lang sila kung makapang good time ah. Pero kahit ganun pa man, masaya na din ako dahil sa kanila.
Madami- dami na din akong nai-published na blog. Lahat ng mga iyon, may magandang ending. Pero itong blog na 'to, ito na marahil ang pinaka mahirap na blog. Kung mapapansin nyo walang ending. Madali ko syang nasimulan pero wala akong maisip na magandang ending. Ewan ko, nasa state of shock pa rin talaga ako dahil sa nangyari. Pero okay na din, kasi hindi nila ako nakalimutan.
Ikaw na nagbabasa ng post ko na 'to, anong mararamdaman mo kapag sa'yo nangyari ang karanasan ko na 'to?
Sunday, May 30, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment