Wednesday, May 12, 2010

First Time

..hoy geeanne gumising ka na dyan, kailangan maaga tayo..


Nagising ako sa pagbubulabog ni mama sa pagtulog ko. Ano ba? Ang aga- aga pa naman, ang sarap pa ng tulog ko eh. Gusto ko sanang isatinig ang mga katagang iyon, pero pinigilan ko ang aking sarili.


6:40. Ang oras pagtingin ko sa cellphone ko. Hay what's the big deal about this day. Yeah alam ko election ngayon, and so? Pwede naman gawin yun mamaya, madali na yun lalo't automated na. May mga kandidato na naman akong iboboto eh, kapag kinulang? Madaling alalahanin ang mga political ads sa TV. Worries? Why should I? Shade lang ang katapat nun. Madali na yun.


So I got up quickly, ayoko sanang gawin kaya lang kailangan kung ayaw kong mabingi sa kakatalak ni mama. May sakit pa yun ng lagay na yun ha. What's more kaya kung wala.



Habang naglalakad kami, nagkalat ang mga nagbibigay ng mga papel papel, kung ano man ang tawag dun, yung papel ng may picture ng mga candidate. Madami din akong nakita ng mga nagla-last minute campaign, parang last two minutes sa larong basket ball. Nakita ko din yung ibang mga barkada ko na namimigay ng mga papel papel, na sa bandang huli ay napag-alaman kong 'flyers' pala ang tawag, pawis na pawis na sila sa pamimigay at ngalay na ngalay na kakatayo at kakahabol sa mga boboto para magbigay ng papel.


Around 8AM ng dumating kami ni mama sa school, pagdating namin dun, nakita namin si papa nakapila na. Ang dami na agad tao, to the point na ganito kaaga? Nagsisiksikan na sila?


After namin kumuha ng number, pumila na rin kami ni mama. Habang nakapila ako, tinignan ko isa isa yung mga naibigay sa 'king papel. Madami- dami din pala, nabasa ko yung mga plataporma nung iba, yung iba naman, biography at achievement in life, kulang na lang ilagay nila yung first crush at first love nila, halos lahat kasi ng impormasyon nandun na. Sa pag tingin ko sa mga hawak kong papel, may isang kandidato na pumukaw sa atensyon ko. Kilala ko sya sa pagkakaalam ko. Lagi nya kasi akong nginingitian kapag nakakasalubong ko sya sa munisipyo. Halos araw- araw ko syang nakikita dun, kaya ang akala ko, isa sya sa mga utility dun. Langya, hindi ko alam na konsehal pala sya. Tawang-tawa ako sa sarili ko ng mga pagkakataong yun.

Ilang sandali pa ay tuluyang na kaming nakapasok sa loob ni mama. Sa wakas, eto na. Makakaboto na ko, sa kauna-unahang pagkakataon makakaboto na din ako.

Pagkaupo ko sa silya, nakita ko ka-agad yung marker. Nakakatuwa naman, ilang saglit na lang makakaboto na ko. Nung una, hindi ko inisip na magiging mahirap yun, bakit naman ako mahihirapan? Anong mahirap sa pagsha-shade ng bilog na hugis itlog? Wala naman 'di ba? Uunahin ko yung mga iboboto ko, tapos kung kukulangin pa, isusunod ko yung mga kilala ko, at kung kulang pa rin, madali ng magtok-tok palatok.

At nagsimula na kong bumoto. So far, so good. Shade lang ng shade, pero habang nakaupo ako at seryosong nag kukulay, napaisip ako. Tama kaya tong ginagawa ko? Tama kayang manghula na lang ako at sayangin ang aking unang pagkakataon sa pagboto? Marahil may mga 2 minuto din akong natigilan.


Mali, mali 'to.
Sa pagpapadalos dalos ko sa pagboto, maraming maaaring magbago. Hindi lang sa buhay ko, kundi pati na din sa buhay ng ibang tao. Hindi ito katulad ng Prelim Examination na kapag bumagsak ka, eh pwede kang bumawi sa Midterm at Final Examination. Ang pagkakamali mo sa pagboto ay hindi mo kayang pagsisihan sa loob lamang ng isang araw. Kundi sa matagal na panahon.


Nakasalalay sa mga kamay mo, ang ikauunlad o ikababagsak ng bayan at bansa mo.


Hindi man ako sigurado sa ibang binoto ko, umaasa at naniniwala pa din ako, na may magagawa sila sa ikauunlad natin. Sana hindi ako nagkamali sa pagpili sa kanila, dahil kung hindi nila matutupad ang sinumpaan nilang plataporma. Hindi lang ako ang masisiraan ng tiwala sa kanila, kundi lahat ng tao na nakarinig at nakasaksi sa panunumpa nila.

No comments:

Post a Comment