...'sige tol bukas ulet'...
pagpapa alam ko sa aking mga kaibigan bago ako tuluyang pumasok sa aming bahay. Tulad ng dati, galing na naman sa galaan. Parang dun na lang ata umiikot ang buhay ko...
Gigising.. babangon.. kakain.. maliligo.. papasok sa school.. at syempre gala pagkatapos ng mga klase. Madalas na ginagalaan ko? Department Store. Masaya kasi magpabalik- balik dun, hindi nakakasawa.
Madami- dami na din akong napuntahang Department Store, merong nagtagal ako, merong parang pumasok at lumabas agad na animo'y nakasalubong ang mga magulang na ang alam ay pagkatapos sa school ay sa bahay ang tuloy, meron din naman na parang nagpalamig lang sa aircon sa loob at lumabas din, at meron din naman na halos dun ka na tumira.
Pero ngayon? Nagbago ang pananaw ko, iba ang dating sa akin ng Department Store na to. 'Chuva Department Store'. Okay naman sya, masaya ako kapag nakakapunta ako dito. Parang sobrang welcome ako dito, halos kumpleto lahat, kung ang mga tauhan naman ang pag uusapan, magaling naman ang mga staff dito, mahigpit, mabait at napaka understanding. Kaya nung una, akala ko, ito na yung permanenteng gagalaan ko. Alam nyo ba yung pakirmdam na, kahit anong gawin mo sa loob ay okay lang. Ganun ang naramdaman ko ng mga araw na nananatili ako sa pagtambay sa lugar na yon.
Hanggang sa...
May nagbukas na bagong department store malapit sa 'min. 'Eklavu Department Store'. Mukhang okay din naman, pero nung una, hindi ko pinapansin, kasi meron na nga akong paboritong lugar. Pero sa paglipas na araw, napansin kong humihigpit sa paborito kong lugar, ang dami ng bawal, ang dami ng hindi pwede. Alam nyo ba yung pakiramdam na para kang kriminal na pumasok sa loob, wala silang tiwala, at laging diskumpyado.
Sa patuloy na paghihigpit sa CDS, naisip ko ang bagong Department Store malapit sa min.
Bakit nga kaya hindi ko subukang pumasok dun.
Hindi nagtagal, pumasyal ako sa EDS. Okay din katulad ng CDS, binibigyan nila ako ng malaking discount at kung minsan, halos libre na. Ayos to, masaya. Habang tumatagal, nagiging kumportable na ko dito, mas okay dito, hindi gaanong mahigpit, at kahit anong oras pwede kung puntahan kung sakaling kailanganin ko.
Ngayon ko napag- isip isip na tama pala ang sabi nila.. Walang dalawang lugar ang mayroong parehong katangian at wala ding lugar na perpekto...
...katulad ng tao, imposibleng makita mo ang lahat ng katangiang hinahanap sa isang tao lang.
Mahirap man ipaliwanag, pero ganun din ang nararanasan ko. Pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung sino ang pipiliin ko.
Tulad na lang ng dalawang Department store, san kaya ako mananatili, sa una na sigurado na ko o sa pangalawa na masaya ako.
Ewan ko, hindi ko alam.
...''it is really hard to choose between the two things when you know that you like them both''.
Sana makapag disisyon na ko, at sana din, tama ang magiging disisyon ko at hindi ko pagsisihan sa huli.
Monday, April 26, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment