Wednesday, April 7, 2010
For the last time
'Hoy yukka, anong ginagawa mo?'. Bigla akong nagulat sa pagtawag pansin sa akin ng barkada ko. Dumating na pala ang instructor namin sa English. Pumasok ako sa loob ng class room ng dismayado. Hindi ko pa rin nakikita ang gusto kong makita at hindi ko pa din nahahanap ang gusto kong mahanap. Nakaupo na ako sa loob ngunit nananatiling nakatingin pa rin ako sa labas. Nagbabakasakali na dinigin ng mga anghel ang hiling ko, 'sana dumaan na sya'. Pagkalipas ng 5, 10, at 15 minuto na pagtunganga ko sa labas. Nagulat ako sa pagtawag sa kin ng instructor namen. 'Yukka, if you want to stay outside, magluwag ang pinto'. Tang ina, nakakahiya, rinig yon ng mga classmate ko, lalo na ng crush kong si kemikal. Langya naman oh, ano bang nangyayari sa 'kin. Nang dahil lang sa lalaking yun magkakaganito ako? No! Mali, mag-isip ka Yukka, ang career mo o ang lovelife mo. Syempre ang lovelife ko. Natawa ako sa isiping iyon, hanggang sa mapalingon ako sa may pinto, at milagro ngang dininig ang hiling ko. Dumaan ang taong pinapangarap ko. Hay, kung alam lang nya. Hindi ko alam kung anong meron sya at mahal na mahal ko sya. Sa bawat araw na nagkakasalubong kami, para akong matutunaw. Hanggang sa isang araw, intrams namin nanonood kami ng mga barkada ko ng cheering competititon. Napalingon ako, andun sya, parang ayoko ko ng alisin ang mata ko sa kanya, ni-ayaw ko ngang kumurap o pumikit. Ang ganda kasi ng nakikita ko eh. Hindi na ko nagdalawang isip, pinakuha ko sa isang kabarkada ko, friendster account muna, ayun pumayag. Yes, nilubos-lubos ko na, pati number hiningi ko na din. Bindigay din naman. Dahil pareho kaming may browser sa phone, chat kami lagi. Minsan inaabot kami ng alas-2 ng madaling araw. I care for him and I think he also cares about me. Ayun, super close kami sa phone pero sa personal hindi ako makagalaw, ni- ayoko ngang magkasalubong kami eh, nanliliit ako sa hiya. Tumagal ng tumagal at ganun pa din kami, inamin ko sa kanya yung true feelings ko. Pero wala syang sinabi. Ang sabi lang nya 'i love you as a SPECIAL FRIEND'. Hindi ko alam kung anung mararamdaman ko, parang maiiyak ako. Sa disappointment? Hindi ko alam, broken hearted? Hindi ko din alam, dismayado? Malamang iyon nga. Oo, dismayadong dismayado nga ako. Asang asa. Pero ano? Wala din. Ang sakit, sobrang sakit. Pakiramdam ko end of the world na, wala na yung pangarap ko. Ngayon ko napatunayan na hindi lahat ng fairy tale may happy ending. One sided love will never ever work!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment