Friday, April 9, 2010

Pretend

'Neng, kamusta? Bakit ang lungkot mo ata? Hindi bagay eh, bakit?'. Pabirong bati ko sa besfriend kong si Len. Agang-aga kasi nagdadrama. Problemado. Malungkot. At higit sa lahat. Problemado talaga. 'Tara kain tayo sa canteen', sabi ko. Hindi naman sya nagdalawang isip na sumama. Umorder ako ng carbonara,spaghetti at softdrinks pero sya softdrinks lang. Takteng babae to, magpapakamatay ata. 'Hoy, ano yan? Nagda-diet ka ba o nag-aayuno?', magkasunod na tanong ko sa kanya. Pero hindi sya kumibo, sa halip binirahan na iyon ng tungo sa mesa at katulad ng inaasahan ko... Umiyak sya. Alam ko na, may problema sila ni Lesry o ang mas masama pa, break na ata sila. Hinayaan ko na lang sya at inubos ang pagkain ko. Pati na din yung softdrinks nya, masasayang din naman eh, mas mabuti ng mapunta yun sa mabuting tiyan. Naaawa ako sa kanya, pero wala akong maisip na maipapayo sa kanya. Kung pwede nga lang ako na lang ang mag-shoulder nung nararamdaman nya pero hindi pwede. Iba sya, iba ako. First boyfriend nya kasi si Lesry kaya siguro ganun. Pag uwi ko, si Len pa rin ang nasa isip ko. Gustuhin ko mang kausapin at tanungin si Lesry, pinigilan ko ang sarili ko. Some questions are better left unasked. Problema nila yon, walang ibang dapat umayos kundi sila. Kinabukasan, pag pasok ko, ganun pa din sya. Kaya minabuti ko ng magbigay ng payo. 'Alam mo neng, kung talagang mahal mo sya ipaglaban mo. Wag mo syang hayaan na maagaw ng iba'. Naks, pakiramdam ko isa akong DJ sa radyo na nagbibigay ng payo sa mga may problema, with matching background music pa na Pretend by Secondhand Serenade. Hindi ko alam kung tatanggapin o gagawin ni Len yung mga sinabi ko. Pero sana lang maging okay na sya. Buti na lang wala akong problema sa lovelife ko. Nagkakamabutihan na kami ng crush ko, hihintayin ko na lang sya umamin. Natatawa ako habang iniisip yun, at biglang nag-vibrate yung phone ko. Langya, naka-silent mode pala ako kaya nagbi-vibrate. Katulad ng inaasahan ko, galing sa crush kong si E-jie ang message. Weee, kinikilig na naman ako at napapa-ngiti habang binabasa yung text nya. Abot tenga na ang ngiti ko habang nagre-reply ng may biglang bumatok sa kin. 'Aray'. Hayup, ang makulit ko palang classmate, si Aldrek. Kontrabido talaga sa buhay ko ang taong to; hindi ata mabubuo ang araw nito kapag hindi ako ginagalit. 'Yabang', yun lang ang nasabi ko nung mapansin kong medyo malayo na pala sya sa akin.

Pag-uwi ko sa bahay, nag-load ako para ma-replyan si E-jie. Bago matapos ang conversation namin. Nag-good night ako sa kanya at sinabihan ko sya ng 'I Love You', pabiro lang yun pero syempre half-meant. Hindi ako umaasang sasagot sya, pero nagkamali ako. Nung nag-reply sya may 'I Love You Too' na sa huli. Pakiramdam ko panaginip lang, nagpa-gulong gulong ako sa higaan ako, pero napasobra ata kaya nahulog ako. Nung maka-recover ako, tinignan ko ulet ang phone ko. Totoo nga. Ano kaya ibig sabihin non?. Kahit nalilito, natulog akong masaya na para bang tumama sa lotto. Kinabukasan pag pasok ako, pinakita ko sa mga kaibigan ko ang text ni E-jie. Tapos tinanong nila ko, 'kayo na?'. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Alanganing oo at hindi. Sa kalagitnaan ng pagtatawanan namin may biglang nagsalita. 'Hay nako, wag ng umasa baka masaktan lang', pag lingon ko, si Aldrek lang ang nandoon, wala syang tinutukoy na pangalan pero alam ko para sa akin yon. Hindi ko na sya pinatulan, ayokong masira ang araw ko. Isang linggo ang nakalipas, nagtext sa akin si E-jie. Gusto nyang makipagkita. Hindi ko alam kung ano ang iisipin, magtatapat na kaya sya? Waaa kinikilig ako, sa wakas official din na magiging kami. Nagkita kami sa isang coffee shop sa may Cainta. Kinakabahan ako pero excited. Pag dating ko dun, nakita ko syang naka-upo. 'Hi' binati ko sya kasabay ng napaka gandang ngiti ko. 'Oy, lika upo ka'. Umorder sya ng cake para sa aming dalawa. Ang sweet naman, kami na ata talaga at eto ang first date namin, anong date ba ngayon? 3. Ah 3 pala ang monthsary namin. Ang saya. Pero hindi ko isinatinig yon. Pinapanood ko lang sya habang kumakain ng mapatingin sya sa kin. Bigla syang natigilan at siryosong tumingin sa 'kin. 'Gea, hindi na 'ko magpapaligoy-ligoy. Matagal ko na din kasi tong gusto sabihin'. Langya, kinakabahan ako, ano ba? Bakit pinapatagal pa nya. 'Sige lang, makikinig ako', yun lang ang nasabi ko ng hawakan nya ang mga kamay ko. 'Gea, it's hard for me to say this pero, I can't take this anymore. Gea, kalimutan mo na ko. Lalo ka lang masasaktan kung patuloy kang aasa na mamahalin din kita'. Ano daw? Para 'kong binuhusan ng malamig na tubig bigla akong natigilan. Natulala ako sa sinabi nya, hindi ako makagalaw, pakiramdam ko, ayaw mag-function ng utak ko sa narinig ko. Tumayo na sya at sinabing, 'You deserve someone better than me', tapos umalis na sya. Parang tumagos sa kabilang tenga ko yung sinabi nya, then I found my self-- Crying.

Ngayon alam ko na yung naramdaman ni Len. Ang sakit pala. Pag-uwi ko sa bahay. Nagkulong ako sa kwarto, umiiyak pa din ako, basang-basa na ang pillow case at blanket ko kakaiyak ng may kumatok. 'Gea, kakain na'. Boses ni mama yon pero hindi ko pinansin. Maya-maya, nagbukas ang pinto. At alam ko lumapit sa kin si mama. 'Anak, may problema ba?'. Bumangon ako sa pagkakahiga, i slowly touch my chest, 'There's no blood Ma, but why does it hurts here'. Minsan pala kailangan mong maging malakas para sabihing mahina ka. Niyapos ako ni mama. Sinabi nyang, 'hayaan mo na yun, hindi mo sya mapipilit, tandaan mo anak, sya ang nawalan, hindi ikaw'. Kahit papano naging okay ang pakiramdam ko. Kinabukasan, Saturday nagpunta ako sa bahay ng lola ko, syempre para maaliw na din kahit papano. Habang naka-upo ang lola ko sa rocking chair sa harap ng malaking bintana, tumabi ako sa kanya at tinanong sya. 'Lola, pano nyo natanggap na wala na si Lolo', natawa sya sa kin. 'Alam mo Gea, hindi ko ganun kadaling natanggap na wala na ang lolo mo, matagal bago ko natanggap'. Ang sagot sa kin ni lola. Nagtanong ulit ako, 'ano pong ginawa nyo para kalimutan sya'. 'Itinuon ko lang sa ibang bagay ang isip ko, kasi kung patuloy ko syang iisipin, hindi ko talaga sya makakalimutan'. Napaisip ako ng sabihin sa 'kin yun ni lola. Tama sya, kung patuloy mung iisipin, hindi mo nga sya makakalimutan. Kaya pagkauwing pagkauwi ko sa bahay, inalis ko ang lahat ng bagay na makakapagpa-alala sa kin kay E-jie. Simula ngayon, kakalimutan na kita. Yun ang sabi ko sa sarili ko. Pag pasok ko sa school, pinilit kong ngumiti, tang ina ang hirap pala kapag broken hearted ka, pati sarili mo pina-plastic mo na. 'Neng anong ngiti yan? Ngiting aso?', biro sa kin ni Len. Mahirap pala ang ganitong pakiramdam, mukha ka ng tanga. Tsaka ko lang naisip yung sinabi ko kay Len na ipaglaban mo kapag mahal mo. Mali ata. What if the person you love sacrifice you just to have another love, do you fight and never give up? Ako? Lalayo na lang. Baket?... Sinuko nya ko eh, tapos ipaglalaban ko sya. Kalokohan. Talagang kakalimutan ko na sya. After a few weeks, na adik ako sa online chatting, ayun, merong isang guy akong nakilala, super bait nya talaga. Sa kanya ako nag share ng naging problema ko tungkol kay E-jie. Ang sabi nya sa kin, 'bakit hindi mo i-try na buksan ang mata mo, alam ko may nagmamahal pa sayo, nahihiya lang siguro'. Medyo na confuse ako sa sinabi nya sa kin.


Kilala kaya ako nitong mokong na to? Napaka- mysterious kasi nito. Kemikalromansa. Kilala nga siguro ako nito. After a couple of months niyaya nya akong mag-eye ball sa isang mall. Medyo matagal-tagal na din. Siguro pwede na kong mag-mahal ulet. Sabi nga kung anong dahilan ng sakit, yun din ang gamot. Mabait naman si kemikal, malay mo? 'di ba?. '3pm sharp'. Huling pm (personal message) nya sa kin. Kinabukasan, eto na, the moment of truth. Magkikita na kami ni kemikal. Dahil nakaugalian ko ng ang filipino time, 4pm na ko nakarating sa mall. Naku, late na ko, patay. Hinanap ko sya sa may 2nd floor, dun daw kami magkita eh basta daw naka-black sya, dun daw sya uupo malapit sa higanteng spongebob at dora. Ilang saglit ng maglinga-linga sa paligid at BINGO, ayun, nakita ko na. Walang duda, sya na to. Sya lang ang nag iisang nakaupo dun eh, lumapit ako. 'Excuse me, ikaw ba si kemikal? sorry kung medyo na late ako ha, traffic kasi eh (charing traffic daw). Kanina ka pa?', painosenteng tanong ko. 'Hindi, kakarating ko lang, hi nice to meet you Yukka or should i call you Gea', nagulat ako sa sinabi nya, kilala nga nya ako. Hindi ako makapaniwala ng tumayo na sya at inalis ung cap nya. Langya, ang dakilang kontrabido, si Aldrek na laging menopause at high blood. 'Ikaw?!'. Hindi talaga ako makapaniwala, at lalong hindi ako makapaniwala ng bigyan nya ko ng stuff toy. And for the first time, nakita ko din syang ngumiti sa kin. Cute din pala tong mokong na to. 'Salamat'. Yun lang ang nasabi ko. Ayun, nagmula dun ang pagiging close namen ni sunget. At ng tumagal, nanligaw sya sa 'kin. At nang mas matagal pa, as in matagal talaga. Sinagot ko dun sya. Ang saya naman, sobrang bait ni Aldek. April 17 ng muling mag-krus ang landas namin ni E-jie, katulad ng dati, hindi ko pa din sya pinapansin. Bigla nya kong tinawag, 'Gea'. Syempre, para hindi mapahiya, nilingon ko. 'Ano yun?'. Lumapit sya at nagtanong, 'galit ka pa din ba sa kin?'. Sumagot ako, 'hindi no!'. 'Para kasing galit ka pa eh', sagot pa nya. 'Hindi na nga, sa ganda kong to po-problemahin kita? Patawa ka'. Yun lang sinabi ko at umalis na ko. Yes nakaganti na ko, good luck na lang sa kanya, masaya na ko sa Aldrek ko. Salamat na lang, totoo pala yung sinasabi nila na kapag nagsara ang pinto, may bintanang magbubukas.

No comments:

Post a Comment