Wednesday, September 29, 2010

Limitasyon

..''ayokong mag- birthday, natatakot akong tumanda''..


ang mga katagang ito ang lagi kong binabanggit sa Mama ko sa tuwing magkaka- kwentuhan kami. Totoo. Aminado ako... ayoko talagang mag- birthday. Para kasi sa 'kin, kapag nagbirthday ka, tatanda ka.


Sa totoo lang, hindi ang pagtanda ang kinakatakutan ko, kundi ang mga hamon ng buhay na haharapin ko habang tumatanda ako. Hindi pa man nangyayari ay natatakot na ko. Oo, duwag nga kung tawagin ang mga taong kagaya ko. Ang mga taong tumatakas sa mga problema.

Minsan nga napapaisip ako... ano kaya kung hindi na tumatanda ang tao? Ano kayang itsura ng mundo ngayon? Kapag naiisip ko ang kahibangang iyon, hindi ko mapigilang matawa sa sarili ko, lalo na kung naiisip ko ang naging buhay ko nung bata pa ako... yung mga problema ko, solusyon sa pinoproblema, mga taong iniibig ko... haay, ang sarap balikan ng buhay ng kabataan.

Tandang tanda ko pa, parang kailan lang nung kinder pa ko... pagkagising sa umaga, maliligo, magsisipilyo, magbibihis, papasok sa eskwela hatid ni Mama habang dala ang lunchbox at bag kong kulay pula, at ang payong ko na kulay yellow... yun bang may whistle na pabitin. Pagdating sa loob ng school, pagkaupong pagkaupo, ang lunchbox agad ang aatupagid, kakainin agad ang baon para ipainggit sa mga classmate na may baon kang cup cake at plus king size. Pagkauwi, tapon si bag, takbo sa labas at makikipag laro sa mga kapitbahay.


Ang sarap balikan ng nakaraan mong pamumuhay, lalo nung kabataan mo pa. Dati wala kang ibang pinoproblema kundi kung paano mo matatalo ang mga kalaro mong nandaya sayo? Kung saan mo hahanapin ang mga kaibigan mo habang naglalaro kayo ng taguan na lingid sa kaalaman mo na nagkaisa na palang umuwi sa kani-kanilang bahay at mapapaisip ka na lang na mukha ka na palang tanga sa kakahanap, pero kahit pagod na pagod ka sa paglalaro at paghahanap, sila at sila pa din ang mga nakakalaro mo. Yun bang tipong wala kang ibang dapat iyakan kundi ang mga sugat sa tuhod mo dahil nadapa ka sa paghabol ng aso ng kapitbahay nyo at walang ibang makakapag patahan sayo kundi si Nanay na gagamot ng sugat mo kasabay ng 2 lollipop at ice cream para mapukaw ang atensyon mo sa mga pagkaing nasa harap mo at bigla ka na lang mapapasigaw dahil nilagyan na pala ng alcohol ang sugat mo. Yun bang wala kang dapat paghirapan sa eskwelahan dahil nandyan sina Nanay at Tatay para gumawa ng mga homework at project mo na sya ipapasa mo kay Teacher kinabukasan. Yun bang mga panahon na wala kang ibang best friend kundi ang Nanay mo at walang ibang lalaki na laman ng isip mo at tinitibok ng puso mo kundi ang Tatay mo.


Kung ang pagsapit marahil ng kaarawan ko ay hindi makakadagdag bagkus ay makakabawas pa sa edad ko? Mas nanaisin ko pang mag-birthday buwan-buwan.


Kaso... hindi eh. Habang nagbibirthday tayo, bumibigat ang mga responsibilidad natin. Dumadami ang problema. Dumadami ang iniibig at nagpapaiyak. Ang pagtanda ay hindi kasing dali tulad ng mga iniisip ng mga bata. Ang bata na nagmamadaling tumanda. Hindi nila alam kung gaano kahirap humarap sa agos ng 'buhay'.


Ang pagtanda ay hindi tulad ng isang laro na kapag napagod ka, pwede kang umayaw. Hindi ito basta- basta paghahanap ng mga nagtatagong kalaro, dahil isang maling hakbang mo lang, maaaring magbago ang mga mangyayari sa kinabukasan. Ito na din marahil ang panahon na dapat na nating ihanda ang mga sarili natin dahil hindi sa lahat ng pagkakataon ay matutulungan tayo nina Nanay at Tatay sa problema natin.


Kung may time machine lang na pwedeng magbalik sa akin mula sa pagkabata ko, babalik ako sa panahong puro laro lang iniintindi. Pero imposible, hindi na maibabalik ang nakalipas na pero may magagawa ka upang maging mabuti at maayos ang mga dapat maganap kinabukasan. Imposible ang pagkakaroon ng time machine, imposibleng makabalik ka sa mga bagay na naging ugat ng mga problema at kalungkutan mo.


Sabi nga sa isa sa mga pinaka paborito kong palabas...

''Diyos lang ang may kakayahang gumawa ng lahat, kailangang tanggapin nating mga tao na mayroon tayong limitasyon''.

Thursday, September 23, 2010

Sa Disneyland

.."gusto kong pumunta sa disney, magwi-wish ako kay genie, para maka-jam si Mickey, sa disney, disney, disney... Sa Disneyland"..

labis akong natutuwa sa twing naririnig ko ang awit na ito na pinasikat ng isa sa mga sikat na banda sa panahon ngayon... ang bandang Tanya Markova. Ang sarap kasi kung iisipin, para bang yung kanta ng kamikazee na ambisyoso. Yun bang, lahat ng bagay na naisin mo makukuha mo ng walang kahirap- hirap; eh sa totoong buhay, posible kaya to?


Minsan, naiisip ko, paano kaya kung magkaroon ako ng madaming- madaming pera? Siguro napaka-saya ko na. Sabi nga sa kantang billionaire... buy of all the things i never had, oo tama, kaya nga lagi kong hinihiling na magkaroon ako ng madaming- madami pera para masaya.

Sa paglipas ng mga araw, mula pag gising mo sa umaga, hanggang sa makita mo ang unti-unting paglamon ngkadiliman sa sikat ng araw, halos wala ka ng maiisip kundi 'paano kaya matatapos ang mga problema ko?'

Kasama na ata sa buhay ng isang tao ang magkaroon ng problema. Oo naniniwala ako dun, kasama na talaga yun, kaya nga siguro tayo binuo ng Diyos ay para tapusin ang mga problemang ibinigay sa atin... upang gampanan ang lahat ng bagay o katauhan na ibinigay sa atin, at sa panahong matapos na ang misyon natin dito sa mundo o sabi nga sa casper "unfinished business"... yun na siguro ang panahon na dapat na natin lisanin ang mundong ibabaw.

Kung lahat siguro ng tao sa mundo ay may sari-sariling Genie, wala na siguro tayong problema. Ngayon ko lang napagtanto na lubhang napaka-palad ni Aladdin dahil sya lang ang pinalad na magkaroon ng pinapangarap kong genie.

Ngunit kung iisipin, bakit nga kaya laging tatlong kahilingan lang ang binibigay ng mga genie sa pelikula? dahil ba hindi nila kayang ipagkaloob sa ating ang mga bagay na gustuhin natin na magkaroon tayo?

Magiging masaya kaya tayo kapag nakuha natin lahat ng gusto natin?

Yun ang akala ko dati, akala ko kapag nagkaroon ako ng pera, magiging masaya ako. Pero nagkamali ako, hindi lahat ng bagay nabibili ng pera. Sabi nga, 'Money can buy a house but not a home'

Sana, magkaroon ako ng genie at bigyan nya ako ng chance na humiling... kahit isang kahilingan lang, hihilingin ko na sana... maging masaya na ulit kami. Sana maging buo na ulit ang pamilya namin. Sana umuwi na ang papa ko.

Alam ko imposible pero hindi pa din ako nawawalan ng pag-asa na matupad ang tanging hiling ko...

ang maging kumpleto at masaya ulit ang pamilya ko.

Wednesday, September 1, 2010

Bestfriend

..''when i'm down, you're there, brighten up my darkest day, you always showing me the way. 'Coz with you, my friend, i don't have to be afraid, you're the one i can depend''..

hindi ba't kay ganda ng ibig sabihin ng linya ng awiting pinamagatang 'bestfriend'.

Hindi ba't kay saya sa pakiramdam na palaging kang may karamay, may nag-aalaga sayo, may umaalala, may pinagsasabihan ng problema. Minsan nga kahit lihim mo sinasabi mo sa kanya... kaya nga may kasabihan na...

'bestfriend, best enemy'

ako? madami na akong naging best friend, iba-iba ang ugali nila. May masunget, may masayahin, may sobrang dependent. Lumaki akong boyish kaya puro lalaki ang naging bestfriend ko.

Tandang tanda ko pa yung unang una na naging bestfriend ko. Mula grade 2 bestfriend ko sya. Akala ko pang habang buhay na ang pagiging mag bestfriend namen, pero lahat yun, naputol lang sa isang iglap.

Sa isang insidente na hindi ko alam na malaki ang naging kasalanan ko.

Isang gabi, tinanong ako ng mama ng bestfriend ko, tinatanong kung nasaan daw sya, since parang nanay na din ang turing ko sa kanya, nagsabi ako ng totoo.

'nakina Roseann po'

yun lang ang tangi kong sinabi. Wala naman akong alam na pinagbawalan na sya pumunta dun sa girlfriend nya.

Kinabukasan, tinawag ako ng bestfriend ko. Syempre masaya ako, kasi tinawag ako ng bestfriend ko. Pagkalapit ko sa kanya, nakita ko sya na namumugto ang mata. Pag dating ko sa kanya, bigla nya kong tinanong

'bakit mo ko sinumbong sa nanay ko?'. Hindi pa man ako nakakasagot, muli syang nagsalita na dumurog sa pagkatao ko...

'wag mo ng papakialaman ang buhay ko kahit kelan ha'

Mula nun, nasira na ang pagkakaibigan namin.

Ngayon, meron na ulit akong bestfriend. Okay sya, sobrang bait at thoughtful. Akala ko, sya na ang papalit sa naging bestfriend ko ng halos 7 taon. Pero nagkamali ako, madami syang nilihim sa 'ken. Hindi ko alam kung dapat pa ba akong maniwala sa kanya. Ewan ko, gulung gulo ako. Ang akala ko kasi kapag bestfriend walang lihiman, at bawal magsinungaling. Pero, andito na 'to, kaya kailangan harapin ko.

para sa kanya...

''bhest, masaya ako at nakilala kita. Ipinaramdam mo sa 'kin kung gaano ang kahalaga sayo, at hindi ako tanga para hindi makita ang mga ginagawa mo saken, pero bhest, parang lumiliit na ang mundo natin. Marami nang nangyari na sumisira sa kung ano tayo. Pinipilit kong kumapit hangga't kaya ko, pero ikaw mismo ang nagbibigay ng dahilan para bumitaw.''

is it over bhest_22?

Thursday, August 12, 2010

Who am I?

..”not because of who I am, bet because of what you’ve done. Not because of what I’ve done, but because of who you are”..

Ito ay linya buhat sa isang awit na pinasikat na Casting Clown; ang awitin na pinamagatang Who am I? Magulo sa unang tingin, ngunit maganda ang nais na ipahiwatig kung ito ay ating susuriin. Patungkol kasi ito sa kung ano at kung sino tayo. Natatawa ako minsan kapag nakakatanggap ako ng text message at tinatanong nila kung sino daw ako… at malamang alam nyo na kung ano ang isasagot ko… Geeanne syempre, kasi yun ang pangalan ko. Ngunit habang tumatanda ako, nagkakaroon ng panibagong kahulugan para sa ‘kin ang salitang “sino ka?”. Natatandaan ko pa ang sinabi sa ‘min ng General Psychology teacher namin, na ang tanong na “sino ka?” ay malayo sa tanong na “ano ang tanong na “anong pangalan mo?”. Ngunit hindi lang ito sa tanong malayo, maging sa kasagutan any malayo din, kasi kapag tinanong ka kung “anong pangalan mo?”, malamang dagli mong isasagot ang pangalan o palayaw mo, pero kapag tinanong ka ng “sino ka?”, mapapaisip ka ng medyo may katagalan para lang masagot ang tanong na binubuo lamang ng dalawang salita.

Araw- araw, gumigising tayo sa umaga upang gampanan ang mga katauhang ibinigay sa atin. Mula sa pagmulat natin ng ating mata, hanggang sa pagkain, sa pali-ligo, pagbibihis at sa kung anu- ano pang che-che-bureche o sa kung anu- ano pang ritwal ang ginagawa natin bago tayo tuluyang pumasok sa eskwela o trabaho. Pagkatapos gawin ang lahat ng dapat gawin, isa lang ang takbuhan natin… ang salamin. Humaharap tayo sa salamin para makasiguro sa kung anung personalidad natin sa bawat araw, ngunit habang nakaharap tayo sa salamin, bakit hindi natin itanong kung “Sino ba ako? Ano ba ako sa likod ng repleksyon na nakikita ko sa harap ko?” Gaano na nga kaya natin kilala ang ating mga sarili?

Ako? Kung ako ang tatanungin ng kung sino ako, ito lang ang isasagot ko, ako ay magulo, maingay, palabiro at palatawa … halos itong mga bagay na ito ata ang buhay ko, ikamamatay ko ata kapag hindi ko nagawa ang mga ito sa loob ng isang araw, sa isang oras nga hindi na ako makatiis, bente kwatro oras pa kaya? Maidadagdag ko pa ang mga katangian ko na mabait, pasensyosa, mapagbigay at higit sa lahat, hindi ako marunong magtanim ng galit at hindi rin ako marunong magalit … inis pwede pa. makulit at masungit din ako kung minsan, kung karapat-dapat talagang sungitan, ang pagiging makulit ko? since birth na yan! At ang pagiging makulit ko ay nauuwi rin sa katigasan ng ulo. Ako yun tipo ng tao na hindi pabago-bago ng gusto, kapag gusto ko, gusto ko talaga, kapag ayaw ko, kahit anung pilit ang gawin sa akin ayaw ko talaga. Madali akong magsawa sa mga bagay na paulit-ulit kong ginagawa, gusto ko lahat ng bagay na pwede kong maranasan at masubukan ay gagawin ko, pagdating sa pagkain ganun din, kapag may ginusto akong kainin, gagawa ako ng paraan para makain o matikman ang pagkaing yun wala akong pakialam kung maubos man ang pera ko, ang mahalaga nakuha ko ang gusto ko. Ang katwiran ko kasi, ayokong magsisi, pano kung bang araw wala na akong pambili ng gusto ko, at least kung mangyari yun natikman ko na ang bagay na gusto kong matikman. Mahilig din akong tumugtog ng gitara at kumanta. Mahilig din ako gumawa ng essay at writings tulad nito. Masasabi ko din na ang buhay ko ay pinupuno ko ng masasayang bagay na pwede kong maranasan. Sabi ko nga, “I always live my life to the fullest”, masyadong maikli ang buhay ng tao kung magiging malungkot pa ako.

Tandang tanda ko pa nung kami lang ni mama ang naiwan sa bahay, masaya kaming kumakain ng hapunan nang mga oras na iyon, nang tanungin ko siya… “Anong klaseng tao ang tingin mo sa akin mama?” Nung una akala ko matatagalan siya sa pagsagot, ngunit nagkamali ako. Agad siyang nagsalita, tuloy-tuloy na animo’y siguradong-sigurado sa bawat salitang lumalabas sa kanyang bibig. Sabi niya, masungit daw ako pero mabait, mapagbigay at minsan may kadamutan, home buddy daw ako pero kapag naggala naman sagad-sagaran ang oras. Conceited pero kaya ko naman daw panindigan ang lahat ng sinasabi at biibitawan kong pagmamayabang. Mahilig daw akong magtago ng nararamdaman ko, pinipilit ko raw na maging masaya kahit alam niya na malungkot ako. Habang nakikinig ako sa kanyang mga sinasabi, bigla ko nalang naramdaman na unti-unti na palang bumabagsak ang mga luha ko. Ewan ko ba kung bakit pero lahat ng sinabi nya ay totoo, hindi ko lang matanggap yung iba sa sarili ko na may ganung katangian pala ako.

Ilang linggo ang nakalipas mula noon, nagkaroon kami ng get together ng mga barkad ako nung high school, grabe ang saya. Kainan. Inuman. Kwentuhan. Nakakamiss ang mga ganitong eksena. Syempre labas na din yung mga kinikimkim na saloobin tulad na lang nung sinabi sa akin nung kaibigan kong si May, “Alam mo Becky, akala ko dati masungit ka, hindi naman pala mabait at maingay ka din.” Natawa ako nung sabihin niya iyon, bakit ba ganun lagi ang first impression nila sa akin? Masungit? Mula ata elementary ako, ganun ang sinasabi nila kaya hindi na rin iba sa akin. Medyo naakakalasingan na, napunta naman ang usapan sa mga plano sa buhay. Ang mga pangarap at mga kinatatakutang kahantungan.

Habang nagkakagulo at nagdedebate ang mga barkada ko, tumahimik ako sandali at napaisip, ano nga ba ang panarap ko at kinatatakutan ko? Natawa ako habang iniisip ko iyon, ang dami ko napalang pinangarap na hindi ko natupad dahil may kinatatakutan ako, tulad na lang ng: gusto kong maging vocalist sa isang banda, pero natatakot akong mag-audition, gusto kong maging staff ng The New Polytech, pero natatakot akong ma-reject ang mga gawa ko, at ang huli kong naisip gusto kong magkaroon ng asawa at dalawang anak, pero natatakot akong pumangit, tumaba at malosyang.

Nung medyo lumalalim na ang gabi, nagpasya na akong umuwi. Habang naglalakad ako, iniisip at pinagkukumpara ko lahat ng sinabi nila sa sinabi ko. Anu-anong mga katangian ang nakita ko sa sarili ko at nakita ng ibang tao sa akin. At yung mga katangian ko na ako lang ang nakakita at yung mga katangian kong sila lang ang nakapuna. May mangilan-ngilan ding hindi at mayroon ding pareho. Kait pala papano, kilala ko ang sarili ko sa paraang hindi lang ako ang nakakita kundi pati na rin ang mga taong nakapaligid sa akin.

Wednesday, August 4, 2010

Meron nga kaya?

..."kuntento na ako sa kung anong meron ako"...

Ito ang madalas nating marinig sa mga tao na palaging sinasabi na kuntento na sila sa buhay nila at sa kung anong meron sila. Pero gaano nga ba katotoo ang mga katagang ito, at may katotohanan nga kaya ang mga ito?

kung ako ang tatanungin, hindi ako naniniwala sa mga ito. Baket? Kasi sa palagay ko, lahat ng tao, may hinahanap. Lahat ng tao nagbabago, may pagbabago at magkakaroon ng pagbabago. Sino nga ba ang ayaw ng bago sa buhay nila? Sino nga ba ayaw ng pagbabago? Kahit naman sino, gusto magkaroon ng pagbabago sa buhay nila.

Pero bakit nga ba ganito ang takbo ng utak ng tao? Bakit hindi na nga lang sila makuntento?

Sa palagay ko kasi, hindi lahat ng nakukuha natin sa ating mga buhay ay kumpleto na ayon sa sukatan o hinahanap natin. Lahat may kakulangan, lahat may kahinaan. Kahit nga ang pinakasikat na mall ay may kakulangan din. Natatandaan ko pa noong bata pa ako, pinapangarap kong tumira sa SM, halos lahat kasi nandoon na: Pagkain, damit, pabango, sapatos, tsinelas at kung anu-ano pa. Pero habang tumatanda ako, napapaisip ako, paano kapag nagkasakit ako? Paano ako gagaling sa SM? Ewan ko kung ako lang ang nakakapansin, pero saang branch ba ng SM ang may Mercury Drug Store sa loob? Madami- dami na ding mga branch ng SM ang napuntahan ko, pero ni-isa, wala pa akong nakitang Mercury Drug Store.

Sa buhay nga tao, hindi din maiiwasan ang paghahangad ng mas ikabubuti para sa atin. Tulad na lang ng edukasyon; pinipilit nating makatapos ng elementary, high school at kapag kinaya, pati college at kung sobra sobra pa, ilang kurso pa ang tinatapos. Baket? Kasi sabi nila, mas maganda ang oportunidad ang makukuha kapag mataas ang pinag-aralan mo. Tama naman sila, maganda nga ang magiging hinaharap nila kapag nagkataon, pero ang katwiran ng iba, wala sa taas ng pinag-aralan yan, nasa diskarte yan.


Kung ang pagiging kuntento ang sukatan para maging isang mabutung tao, sa palagay ko ay wala ng mabubuhay na mabuti, pero sa tingin ko, kung para din naman sa ikauunlad mo at ng pagkatao mo, wala ding masama.

Monday, June 21, 2010

Online

..hindi kasi uso sa'kin ang facebook eh..

'yan ang madalas kong isagot kapag may nagtatanong sa'kin ng facebook account ko. Ewan ko ba, basta hindi ako natutuwa sa facebook. Para kasing puro laro lang ang mahalaga dun; farmville, fish ville, at kung anu-ano pang ville. Since bihira naman ako gumamit ng PC kapag nag-i-internet, minabuti ko ng wag na lang subukin na pumasok sa mundo ng facebook.

Ilang buwan na marahil ang nakalipas ng may nagtanong ulit sa 'kin ng fb account ko, at syempre, katulad ng dati kong sagot... 'hindi uso sa 'kin ang fb'...

Hanggang sa isang araw, wala kamin klase, kaya nagpunta kami sa tinatambayan namin na computer shop, ayun, katulad ng inaasahan ko... maraming na fa-facebook. Napaisip ako bigla. Halos lahat na ata ng mga kabataang nakikita ko, may fb account... bakit hindi ko kaya itry?

Ilang minuto lang ang nakalipas ng magpasya akong mag-register sa facebook. Ok naman sya, parang friendster din lang, pero may hi-class may chat na eh.

Magmula noon, lagi na akong online, laging may shout (pasikat, syempre baguhan eh). Masaya sya sobra, ang dami kong nakakausap na hindi ko pa dating ka-close, pero ng dahil sa facebook, para na kaming may rugby sa sobrang close.

Online.. Facebook.. Internet Chatting..

Magandang simulain para sa developing country tulad ng 'Pinas. May iba't ibang ads at mga job opportunities. Marami kang magagandang mababasa, at marami ding panget... katulad ng mga salitang 'Malandi ka'... 'Manloloko ka'... 'Wala kang kwentang tao'... at minsan pa, dadating pa sa point na may mababasa kang 'TANG INA' na halos tagos sa kaibuturan ng katawan mo? Ang salita na kahit pilitin mong limutin ay hindi mo malilimutan. Sabi nga, mas maganda pang saktang mo ang isang tao sa pisikal na paraan kesa emosyonal.

Dun sa taong nagsalita sa'kin ng ganon, sana naging masaya ka sa lahat ng mga sinabi mo sa'kin. Kasi ikaw naman ang nawalan, nawalan ka ng kakampi dahil pinakita mo ang magandang ugali mo na natutunan mo sa isang parochial school. Hindi lang pangalan mo ang sinira mo, kundi lahat ng mga taong nakapaligid sa'yo. Lalo na ang banal na eskwelahan na pinanggalingan ng mga mababait na tao kagaya mo.

Kung hindi ka pa kuntento sa mga sinabi mo sa'kin, kahit ulit-ulitin mo pa, hindi mo naman ako matitinag eh. At kahit anong gawin mo, hinding hindi na magbabago ang pangit na pagtingin ko sa'yo. Dahil sa kagandahang ugali na pinakita mo!

MATALINONG GAGO!!!!

Saturday, June 12, 2010

B E N

..''you've got a friend in me''..

Natatawa ako kapag naririnig ko ang awiting 'Ben' ng Jackson5. Ilang beses ko na ding paulit-ulit na narinig ang awit na iyon at ewan ko ba kung bakit, basta kapag naririnig ko ang kantang 'yon, naiinis ako.

..bakit ba kinompose pa yung kantang yun, halos paulit-ulit lang naman ang lyrics, ang boring pa ng tyempo. Sino ba naman ang gaganahan dun?

Dala ko ang pag-uugaling 'yon hanggang sa pagtanda ko: ang pagkamuhi sa awitin na pinamagatang 'ben'.

Isang linggo ng umaga, habang naglilinis ako ng bahay, sa hindi inaasahang pagkakataon... muli kong narinig ang pinaka-ayaw kong kanta mula sa karaoke namin. Gustuhin ko mang patayin o ilipat na istasyon ang karaoke namin, pinigilan ko ang aking sarili. Nakikinig at sumasabay kasi ang mama ko sa kantang iyon, at alam ko, bi-bingo ako kapag ginagawa ko kung ano man ang nasa isip ko.

Kahit naiinis, hinintay ko na lang matapos ang kanta. Habang patuloy akong nagpupunas ng patungan ng TV namin, narinig kong nagsalita si mama.

..''alam mo ba anak kung anong nilalang si Ben?''..

Sandali akong natigilan ng marinig ko yun, ngunit pinagpatuloy ko na din ang ginagawa ko.

..''as if i'm interested; as if i care''..

Hindi ko isinatinig ang mga katagang iyon, hanggang sa marinig ko ulet si mama.

..''si Ben ay isang daga''..

Gustuhin ko mang matawa sa sinabi ni mama, mas pinili ko na lang manahimik.

Kaya naman pala inaayawan si 'ben', iyon pala ang dahilan.

Kinabukasan araw ng Lunes, agad akong pumasok sa eskwela. Nakasama ko na naman ang mga kaibigan ko. Habang naglalakad, bigla akong kinulit ng classmate ko.

Sinasakal ako, at kinukuha ng palihim ang wallet ko. Dahil sa hindi na ako makapagtimpi, tinulak ko sya. At nasugatan mula sa kanyang pagkakadapa.

Mula noon, hindi na nya ako kinulit. Akala ko nung una, tapos na ang problema ko, tapos na ang mga nanggugulo sa isip ko. Hindi pa pala.

Isang linggo ang nakalipas mula ng mangyari ang insidenteng 'yon, habang naglalakad ako, may nabasa ako sa bulletin ang sabi...

..''tama ka ____, dapat kalimutan na ang mga taong walang kwenta''..

Alam kong, ako ang tinutukoy dun sa salitang 'taong walang kwenta'. Baket ko nasabi? Kasi ako lang naman ang nakabangga ng taong nagdikit ng papel na yun sa bulletin. Ayos lang sana kung sya lang, pero may napasabit na pangalan si 'blank'.

Isa sya sa mga kaibigan ko na labis kong pinagkakatiwalaan.

Bakit sya pa? Bakit isa pa sa mga matatalik kong kaibigan ang naghamak sa 'kin, at sa pagkakasabi dun sa sulat, parang sa kanya pa nag mula yung salitang 'walang kwenta'.

Buong akala ko, naintindihan nya ako kung bakit ko nagawa yun, hindi pala. Kung sino pa yung aasahan kong magiging sandigan at karamay ko, sya pa pala yung aapak sa 'kin.

Bigla kong naisip si 'ben' ng mga pagkakataong iyon. Halos pareho pala kami ng kapalaran. Walang kakampi. Mas mabuti pa nga sya, meron na syang kaibigan. Eh ako? Madami ngang kaibigan, pero hindi ko naman alam kung talagang kakampi o kaibigan ko.

Ang hirap palang magpaliwanag ng mga bagay na akala mo maiintindihan nila. Ang hirap ng kalagayan ng pakiramdam ko ngayon, gustuhin ko mang umiyak dahil sa sobrang sama ng loob. Hindi ko magawa.

Kaya nag papasalamat ako ng madami sa nakaimbento ng blog. Kasi kahit papaano, may matatakbuhan at masasabihan ako ng mga problema ko na hindi ko mai-share sa family ko. Maraming salamat talaga. :c

Sunday, June 6, 2010

The Key

..''ok, text mo na lang ako kapag nasa biyahe ka na''..

Huling text message sa 'kin ng bago kong kaibigan bago ako tuluyang makasakay ng jeep. Simula na kasi ng OJT namin kaya nagpasya kami na magrenta ng isang Condominium malapit sa hotel kung saan ako mag-o-ojt at sa isang restaurant kung saan naman mag-o-ojt ang kaibigan ko.

..''malapit na ko''. Text ko kay kaibigan. Mag-aalas 12 na ng tanghali marahil ang oras ng mga sandaling iyon, at alam ko, na wala sa Condo ang kaibigan ko. Tanghalian na eh, malamang nanananghalian na yon sa kung saang lupalop sa Maynila.

Manghang- mangha ako sa ganda ng tanawin sa lungsod; kay gandang pagmasdan ang mga naglalakihang billboard, ang mga usad pagong na mga sasakyan, mga maiitim na usok na para bang isang makulimlim na ulap na bumaba sa lupa, ang mga makukulay at nagliliparan na basura sa lansangan, at ang mga nagtitinda sa kalye ng mga yosi at candy... takatak boys kung baga, at kung minsan yung mga nagtitinda ng mineral water, chicharon, mani, itlog ng butiki at itlog pugo... na animo'y nakikipag patentero kay kamatayan, kumita lamang ng kaunting barya. Kung minsan pa, magugulat ka na lang sa mga pulubi at taong grasa na bigla na lang susulpot para manghingi ng limos.

Nasa ganung pag-iisip ako ng mapansin kong tumatawag na pala sa 'kin si kaibigan. Nagluto daw sya ng pananghalian naming dalawa. Sa makatuwid, nandoon lang sya sa Condo.

Ilang sandali pa ang lumipas, tuluyan ko ng narating ang aking destinasyon... ang Condominium na rirentahan namin ni kaibigan sa loob ng isa't kalahating buwan. Pagpasok ko sa loob, agad akong sinalubong ni kaibigan para tulungan sa mga dala kong bagahe, may tatlong bag din ata yon. Para ngang pang matagalan ang pagtira ko dun sa dami ng dala kong damit at gamit.

Habang kumakain kami ng kaibigan, bigla nyang ibinigay yung isa pang susi ng Condo, at kasama non... ang duplicate ng susi ng kwarto nya.

Nung una, nagtaka ako. Bakit? Bakit nya ako binibigyan ng susi sa kwarto nya. Dahil litong- lito na ko, tinanong ko na sya.

..''para saan to?''. At ang sagot nya, ''wala, para kapag sinipag kang maglinis, malilinis mo yung kwarto ko''

Ayun, kaya naman pala eh. Pero sa halip na ikagalit ko, ang labis ko pang ikinatuwa. Isa lang kasi ang ibig sabihin non. Pinagkakatiwalaan nya ko.

Naging maayos naman ang pagsasama namin ni kaibigan. Mabait sya. Pasensyoso at maalaga.

At ang susing ipinagkatiwala nya... isang beses ko pa lang nagamit. Yun ay nung naglinis ako ng buong Condo. Nakita ko ang buong kwarto nya. Inayos ko lang ng kaunti pero wala akong pinaki- alaman ni isang bagay sa loob.

Hanggang sa isang gabi...

Napag-alaman ko na lamang na nawawala ang ipod ko. Hindi ko alam kung saan ko nailagay. Hindi ko din alam kung saan hahanapin. Wala si kaibigan ng mga pagkakataon iyon. Nag gagala sya sa isang Mall malapit sa Condo. Dahil mahalaga sa 'kin ang ipod ko, hinalughog ko ang buong Condo... pero nabigo ako. Isang lugar na lamang ang hindi ko pa natitignan... ang kwarto ni kaibigan. Kahit nagdadalawang isip, binuksan ko ang kwarto ni kaibigan. At nakita ko dun ang hindi ko dapat makita. Nandoon sa ibabaw ng kama nya ang ipod ko.

Kahit nahanap ko na ang ipod ko, hindi ko pa din iyon kinuha. Hinayaan ko na muna.

Pasado alas-9 na ng gabi ng umuwi si kaibigan. Okay pa din ang pagbati nya sa 'kin, at ganun din ako sa kanya. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang nais kong sabihin kay kaibigan. Kaya nagpasubali na lang ako.

..''friendship, may nakita ako sa kwarto mo ah''..

Yun lang ang tangi kong nasabi. At katulad ng inaasahan ko, nagtanong sya ng 'ano?'.

Hindi ako nakakibo ng mga sandaling iyon. Sasabihin ko ba o hindi. Naguguluhan ako. Kahit na gustong gusto ko ng sabihin, pinili ko na lang manahimik. Hanggang sa magsalita si kaibigan...

..''Hindi ko sinabing pakialaman mo ang kwarto ko, kung may tinatago ako mula sa'yo... hindi ko na sana ibinigay ang duplicate ng susi sa kwarto ko''..

At pagkabitiw nya ng mga katagang iyon, pumasok na sya ng kwarto at hindi na ulit lumabas ng gabing iyon.

Sino nga ba ang tunay na may sala?

Ako na pumasok sa pag-aari ng iba?

O sya na may itinatagong bagay sa loob ng kwarto nya?

Ako na, na-curious lang kaya pumasok?

O sya na inakala ko na magiging tapat kaya ipinagkatiwala ang susi nya sa 'kin?

Thursday, June 3, 2010

30 Days

''geeanne!! geeanne??''

..nagising ako sa pag tawag sa 'kin ng barkada kong si Joebert mula sa labas ng bahay namin.

Ano ba? Ang aga-aga pa. Hinanap ko ang cellphone ko para tignan kung anong oras na, at grabe tumalak 'tong mokong na 'to.

Aba, tinamaan ng magaling, wala pang alas-6. Naka-alarm naman ang cellphone ko ng 6:30? Nauna pa syang mambulabog?

Dali-dali akong bumaba para puntahan si Joebert, halos patakbo kong tinungo ang pintuan namin para harapin sya at hindi alintana kung ano man ang itsura ko. Kung may 'morning star' pa ako o mas kilala sa tawag na 'muta', ay wala akong pakialam, basta kailangan maharap ko ang lalaking ito na nagsilbing alarm clock ko ng araw na iyon.

Pag dating ko sa may pinto, ayun at nakabihis na nga sya. Pupunta kasi kami ng San Pablo para kumuha ng tax exemption. Nag-apply kasi kaming bilang SPES (Special Program for the Employment of Students). Para magkaroon ng pagkaka- abalahan habang bakasyon, at syempre para magkaroon ng sariling kita o income.

Kahit tinatamad pa akong kumilos ng mga oras na iyon ay wala akong nagawa. Pagka- alis ni Joebert, agad akong bumalik sa kwarto para ayusin ang pinag higaan ko, at pagkatapos non... dali-dali akong naligo.

Alam kong imposible para sa 'kin na magawa 'yon sa loob lamang ng 10 minuto, pero heto. Nagawa ko. Imagine, nakapaligo at nakapag-ayos na ako ng wala pang 30 minuto.

Pag katapos ko mag-ayos, agad akong bumaba para humingi ng pera kay mama at umalis na ako, nakakahiya kasi, baka ako na lang ang hinihintay.

Pero pag dating ko dun... halos wala pa pala ang lahat... langya, nagoyo ako dun ah... hindi na nga ako kumain ng almusal para makahabol tapos ganun?

Kahit naiinis ako, pinilit ko na lang pakalmahin ang sarili ko. Sayang ang ganda ng umaga kung sisirain ko lang ng dahil dun.

Ilang minuto pa ang nakalipas, nagpasya na ako na magpabili ng pagkain sa tindahan. Isang fudgee bar at pop ang almusal ko. At sa totoo lang, nun lang ako nakapag almusal ng may softdrinks?? Tama, naka dalawang pop ako nun.

Ilang minuto pa ang nakalipas, natapos din sa paliligo ang hinihintay namin. At ayun, tuluyan na kaming naka-alis ng Mabitac, gamit ang isang tricycle. Tama, tricycle ang sinakyan namin papuntang San Pablo.

Ilang kwentuhan din ang naganap sa loob ng tricycle na animo'y nakasakay ka sa space shuttle sa sobrang bilis mag patakbo ng driver. Malos maiwan ang kaluluwa namin ng mga kasama ko. Ang bilis talaga.

At ayon, sa hinabahaba man ng oras ng pagsakay namin sa roller coaster... este sa tricycle pala, natapos din namin ang lahat ng dapat namin gawin, at naipasa namin ang lahat ng dapat naming ipasa...

At dumating nag araw ng Lunes, eto na... the moment of truth kung baga, simula na ang araw ko bilang isang empleyado sa munisipyo namin. Nung una, hindi ko inisip na mahirap ang trabaho ng isang spes, anong mahirap sa pagse-survey? wala naman 'di ba?

Nung una, ilag pa akong magsalita ng magsalita. Hindi ko pa kasi ganun ka-kilala ang mga mga kasama ko. Pero nang tumagal, nakasundo ko din sila. Okay din palang kasama 'tong mga 'to. Kalog at siraulo din katulad ko.

Ilang pagpapalitan pa ng opinyon ang dumaan at pagkatapos non... dinala na kami sa aming unang destinasyon sa pagse-servey. Sa barangay Paagahan.

Pagdating namin doon, agad naming tinungo ang barangay hall para humingi ng pahintulot sa kanilang kapitan, at katulad ng inaasahan namin, syempre pumayag din sya.

Matapos ang mahaba-haba ding diskusyon na sa tingin ko ay umabot ata ng kalahating oras o higit pa, agad na naming sinimulan ang aming trabaho... nag-umpiasa na kaming magbahay bahay.

Noong una, akala ko madali. Hindi pala. Mahirap din maglakad sa initan na wala man lang na kahit anong panangga sa mataas na sikat ng araw. Pero kahit ganon pa man, masaya ako sa ginagawa ko, dahil marami akong nakikilalang tao. Minsan, hindi lang sila ang ini-interview ko, pati sila... ini-interview din ako.

Kahit nakakapagod ang isang buong araw na pagpapalakd- lakad, pagpapahabol sa mga aso, pagpara sa iba't ibang mga sasakyan para makisakay at makarating ng mas mabilis sa mga dapat puntahan... masaya pa din. Lalo na kapag nakikita mo ang mga papel na nasurvey mo, kung gaano kadami, kung gaano kakapal, at kung gaano kanipis. ayos lang, hindi naman kasi masyadong ramdam ang pagod kapag magkakasama kami.

Lahat ata ng masayang pwedeng maranasan ay naranasan ko sa mga kasama ko. Naranasan kong mag star gazing kina Rennier at humiga sa karton kahit magilik ang kalsadang pinaglalatagan namin. Ang pagtakas namin para lang maiwasan si "ehem" at mag-enjoy sa panonood ng huling meeting de avance.

Ang night swimming na unang beses kong naranasan sa talambuhay ko,Ang malasing ng sobra-sobra, ang pagpipinoy henyo sa tabi ng pool, at ang miya't miyang pakikipag-picturan kasama ang lahat at si Kuya Andrew.

Lahat ata ng mag bagay na ginagawa namin ay mami-miss ko ng sobra... hindi dahil 30 araw lang kami magkakasama- sama, kundi dahil ito na ang una't huling beses ko sa SPES. Hindi na kasi pwede kapag graduating na... kaya lahat ng mga nararanasan namin, ay talagang tumatatak sa isip ko.

At ngayon ang huling araw ko, bilang SPES, hindi ko maiwasang malungkot, hindi ko mapigilan na maging emosyonal. Pero kahit ganun pa man. Ako ay labis labis na nagpapasalamat sa lahat ng aking mga nakasama sa loob ng tatlumpung araw ng aking paglilingkod sa aming bayan.

Kay Kuya Andrew na laging nagpapasensya sa kakulitan at kaingayan namin, kina Tito Norbie at Tito Arnold na nag papasensya sa pagiging magulo namin ng aking mga kasama.

At sa lahat ng mga kasamahan ko, kina Maecy, May, Dianne, Nikka, Lhaica, Cyril, Kristel, Janneth, Joebert, Erwin, Rennier, Eucluive, at Rex... maraming maraming salamat sa pagbibigay nyo sa akin ng pagkakataon na makilala at makasama kayo kahit na sa maikling panahon lang. Tinanggap at binuo nyo ako, bilang ako. Maraming maraming salamat sa lahat.


.."for all the things we've shared, for the endless times we cared, for helping me through good times and bad times... for the laughter, jokes and funny lines...

for being part of my life, seryoso 'to.....



"THANK YOU"

Sunday, May 30, 2010

Celebration

''coz she's bitter sweet, she knocks me off my feet but i can't help my self, i don't want anyone else--''


..hay, narinig ko na naman ang kanta ng the click five na just a girl ang pamagat. Araw- araw naririnig ko yun, at isa ang ibig sabihin kapag narinig ko ang awit na yon... Umaga na, at nag-aalarm na ang cellphone ko.

Kahit tinatamad pa akong bumangon, pinilit kong hagilapin ang cellphone ko. Para patayin ang nag ngangawang alarm at tignan kung sino-sino ang mga nag text. Importante kasi sa 'kin ang araw na 'to. Araw ko ngayon, sa makatuwid... birthday ko.

Nang mahagilap ko na ang phone ko, dali-dali kong tinignan kung sino ang mga nakaalala. Na-exite ako ng sobra sa pag-aakala na madaming naka-alala ng kaarawan ko. Ngunit halos ibato ko ang cellphone ko ng mapag-alaman ko na wala man lang naka-alala kahit isa? Tama. Wala talaga.

Sinubukan kong buksan ang facebook account ko sa pag-aakalang may makaka-alala sa 'kin. Meron namang mangilan-ngilan. Pero yung mga malalapit sa 'kin? kahit tuldok wala silang iniwang mensahe.

Nalungkot ako ng sobra. Bakit? Wala ba talagang naka-alala sa mga kaibigan ko? Pero malabo eh, sila pa nga ang exited sa birthday ko noong mga nakaraang araw, tapos ngayon? Eto na, eto na ang hinihintay nila, pero ano? Wala.

Halos tamadin na ko sa pagpasok ng mga pagkakataon iyon. Pero hindi pa rin ako nawalan ng pag-asa. Umaasa pa din ako na kahit papano, may babati din sa 'kin sa school.

Dali-dali akong naligo at pumasok sa eskwela. Nakalimutan ko na nga kumain ng agahan sa pagmamadali. Pero pag dating ko dun, parang wala ding kakaiba. Yung mga kilos ng mga kaibigan ko, ganun pa din. Magulo. Maingay. Nagpapasaway. Gusto ko ng umiyak ng mga pagkakataong iyon. Wala talagang nakaalala sa kanila na birthday ko ngayon.

Wala akong gana mag-aral ng mga pagkakataon iyon. Ang sakit kasi. Wala man lang nag-greet.

Nung tumabi sa 'kin ang kaibigan kong si Len, tinanong ko kaagad sya.

'Neng anong araw ngayon? Wala ka bang nakalimutan?'

Parang gusto ko syang hambalusin ng libro ng sabihin nyang..

'Thursday. Bakit anong meron?'

Hindi na talaga maganda ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko, sasabog ang dibdib ko sa sobrang sama ng loob. Lumipas ang ilang oras, ay ganun pa din.

Ano ba yan? Nakalimutan nga nila. Gusto ko na nga isulat sa white board namin na birthday ko, kaya lang naisip ko... masyado na ata 'yun, mukha na 'kong nakakaawa kapag ginawa ko 'yon.

Hanggang sa mag-uwian, ganun pa din. Kaya nagpasya ako na wag na lang pumasok kinahapunan.

Pagdating ko sa bahay, tinawag ako ni mama...

..''anak, tara labas tayo, celebrate natin ang birthday mo''

Kahit papano, gumaan ang bigat na nararamdaman ko. Oo nga, nakalimutan ko si mama. Buti na lang nandyan sya.

Gustohin ko man lumabas kasama sya, mas pinili ko na lang ang manatili sa loob ng bahay. Nag-alibi na lang ako na masama ang pakiramdam ko at kailangan ko magpahinga. Hindi naman nya ako pinigilan kaya, pumasok na ko sa kwarto.

Iyak ako ng iyak sa mga sandaling iyon. Bakit ngayon pa? Birthday ko pa ang nakalimutan nila. Ilang sandali pa ang lumipas at nakatulugan ko ang pag-iyak.

Pag gising ko, agad akong bumaba para manood ng spongebob. Para kahit papano, maging masaya ako.

Alas-6 na ng gabi, wala pa din akong natanggap na kahit anong pagbati sa kanila.

Naaaliw na ko sa kakapanod ng biglang may kumatok. Hindi ko inintindi yon, at hinayaan kong buksan yun ni mama. Wala naman akong inaasahang bisita eh, kaya alam ko, si mama ang pakay ng kung sino mang Poncio Pilato ang kumatok. Nagulat na lang ako ng marinig ko si mama at sinabing may naghahanap sa kin. Hindi pa din ako natinag sa pagkakaupo, hanggang sa...

Isa-isang nagpasukan ang mga barkada ko, habang kumakanta ng happy birthday at may dala pang cake.

Sobrang nagulat ako. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Matutuwa ba o magagalit? Magiging masaya ba o malungkot? Ewan ko, basta hanggang ngayon nasa state of shock pa ko.

Hindi pala nila nakalimutan ang birthday ko, gusto lang nila ako i-surprise. Tama, nagtagumpay sila, nasurprise talaga ko. Gusto ko nga sila pagsasampalin sa inis at tuwa. Halo-halo na kasi ang nararamdaman ko ng mga sandaling iyon. Pinagti-tripan ba nila ako? Parang nasa wow mali lang sila kung makapang good time ah. Pero kahit ganun pa man, masaya na din ako dahil sa kanila.

Madami- dami na din akong nai-published na blog. Lahat ng mga iyon, may magandang ending. Pero itong blog na 'to, ito na marahil ang pinaka mahirap na blog. Kung mapapansin nyo walang ending. Madali ko syang nasimulan pero wala akong maisip na magandang ending. Ewan ko, nasa state of shock pa rin talaga ako dahil sa nangyari. Pero okay na din, kasi hindi nila ako nakalimutan.

Ikaw na nagbabasa ng post ko na 'to, anong mararamdaman mo kapag sa'yo nangyari ang karanasan ko na 'to?

Tuesday, May 18, 2010

Eclipse

..madilim, nakakatakot..

ganito marahil mailalarawan ang isang 'eclipse'. Isang pangyayari na tumatakip ang anino ng buwan sa sikat ng araw.


Ganito ko maihahalintulad ang buhay ko, napakadaming eclipse ang dumadaan. Sa career at sa lovelife madalas.


Ang career ko na marahil ang pinaka importanteng bagay para sa akin. Marahil nabubuhay ako para dito, para matupad ang lahat ng gusto kong mangyari sa buhay ko, at magtagumpay sa lahat ng bagay na naisin ko. Lahat ng bagay, gagawin ko, makamit ko lang ang pinapangarap ko. Andyan yung halos hindi ka na matulog at kumain, matapos lang ang kailangan matapos. Yun bang mukha ka ng adik dahil payat ka na kasi madalas kang magpalipas ng gutom; yung mga namamaga at nangingitim na mga eye bags dahil halos ilang oras na lang ang tulog mo; yun bang mukha ka ng nanay na may labing isang anak, dahil sa sobrang haggard at kawalan ng pahinga para lang magawa ng maganda at maayos ang mga dapat gawin.

Ako? Naranasan kong lahat yan. May pagkakataon pa nga na muntik na kong mag collapse dahil sa sobrang pagod at patuloy pa rin ginagawa ang mga homework. Pakiramdam ko kasi, napakalaking disappointment kapag hindi ko nagawa, kahit isang requirement. Para akong kriminal na hindi pinapatulog ng konsensya ko.


Dahil nga may gusto akong patunayan sa sarili ko, nagtiyaga ako para maabot ko ang pinapangarap ko. Pero sa kabila ng lahat ng paghihirap ko, kulang pa din para makamit ang pinapangarap ko. Alam mo ba yung pakiramdam na para kang naglalaro ng bingo at isang numero na lang eh panalo ka na ng napakalaking halaga, pero sa kasamaang palad, pagkalabas ng iniintay mong bola eh yung katabi mo yung sumigaw ng bingo.

Nakakadismaya no? Ang hirap kalimutan. Ako? Ganun din ang akala ko. Akala ko matutupad yung pinagdadasal ko. Hindi pala. Ang hirap tanggapin, sobrang hirap. Oo alam ko, mahirap umasa, pero masama ba yun kung alam mong may aasahan ka naman? Ewan ko, hanggang ngayon hindi pa din mawala sa isip ko ang bagay na yun, ang numero na dapat sana nagpanalo sa kin bilang isang dean lister. Kaso, hindi lumabas.


Sa pag-ibig naman, hindi din maiiwasan ang eclipse. Yun bang sobrang saya mo na, at akala mo wala ng balakid o hadlang sa kasiyahan mo, pero nagkamali ka. Alam mo ba yung pakiramdam na lagi kang nakalutang sa ere kapag kasama mo ang taong mahal mo? Yun bang halos kalimutan mo na yung ibang bagay, wag lang sya?

Ang sarap ng pakiramdam kapag inlove no? Pero sabi nga, lahat ng saya may
katapat na lungkot, katulad na lang ng kung gaano ka kasaya sa taong minamahal
mo, ganun din kasakit kapag nabigo ka. Para ka lang isang saranggola na matayog
ang lipad at nagpapadala lang sa hangin at sa isang iglap, bigla na lang bumagsak.
Ang hirap sa pakiramdam no? Kahit ako? Aminado kung gaano naaapektuhan, akala mo siguro, masaya at okay pa din, pero ang totoo unti-unti ng namamatay.

Nakatawa, nakikipagkulitan, nakikipagharutan. Kasi yun ang alam kong paraan para makapag tago. Dahil kahit papano, sa pamamagitan ng mga halakhak, nakakasimple ang mata kong umiyak. Ang sakit, ang hirap mabigo. Lalo na kung mahal na mahal mo yung taong dahilan kung bakit ka nasasaktan. Sabi nga, ang gamot sa pag-ibig ay katulad din ng gamot sa mga pasyenteng may sakit. Kahit anong pilit mong pagpapagaling, kung hindi ikaw ang gamot, hindi mawawala ang sakit. Tama 'di ba? Ako? Nasasaktan at alam kong sya lang din ang gamot ng sakit na to. Pero paano pa nya ako magagamot kung sya na mismo ang umayaw sa kin.


Eclipse. Pangit. Nakakatakot. Tinatakpan nito ang sikat ng araw na nagbibigay ng
liwanag sa 'tin. Katulad sa buhay ng tao, ito marahil ang mga pagsubok na dumadaan
sa bawat isa sa atin, pero kasabay din ng eclipse, tatagal lang ito ng ilang segundo
at magliliwanag na ulit ang araw, parang pagkakaroon ng panibagong pag-asa sa buhay natin.

Wednesday, May 12, 2010

First Time

..hoy geeanne gumising ka na dyan, kailangan maaga tayo..


Nagising ako sa pagbubulabog ni mama sa pagtulog ko. Ano ba? Ang aga- aga pa naman, ang sarap pa ng tulog ko eh. Gusto ko sanang isatinig ang mga katagang iyon, pero pinigilan ko ang aking sarili.


6:40. Ang oras pagtingin ko sa cellphone ko. Hay what's the big deal about this day. Yeah alam ko election ngayon, and so? Pwede naman gawin yun mamaya, madali na yun lalo't automated na. May mga kandidato na naman akong iboboto eh, kapag kinulang? Madaling alalahanin ang mga political ads sa TV. Worries? Why should I? Shade lang ang katapat nun. Madali na yun.


So I got up quickly, ayoko sanang gawin kaya lang kailangan kung ayaw kong mabingi sa kakatalak ni mama. May sakit pa yun ng lagay na yun ha. What's more kaya kung wala.



Habang naglalakad kami, nagkalat ang mga nagbibigay ng mga papel papel, kung ano man ang tawag dun, yung papel ng may picture ng mga candidate. Madami din akong nakita ng mga nagla-last minute campaign, parang last two minutes sa larong basket ball. Nakita ko din yung ibang mga barkada ko na namimigay ng mga papel papel, na sa bandang huli ay napag-alaman kong 'flyers' pala ang tawag, pawis na pawis na sila sa pamimigay at ngalay na ngalay na kakatayo at kakahabol sa mga boboto para magbigay ng papel.


Around 8AM ng dumating kami ni mama sa school, pagdating namin dun, nakita namin si papa nakapila na. Ang dami na agad tao, to the point na ganito kaaga? Nagsisiksikan na sila?


After namin kumuha ng number, pumila na rin kami ni mama. Habang nakapila ako, tinignan ko isa isa yung mga naibigay sa 'king papel. Madami- dami din pala, nabasa ko yung mga plataporma nung iba, yung iba naman, biography at achievement in life, kulang na lang ilagay nila yung first crush at first love nila, halos lahat kasi ng impormasyon nandun na. Sa pag tingin ko sa mga hawak kong papel, may isang kandidato na pumukaw sa atensyon ko. Kilala ko sya sa pagkakaalam ko. Lagi nya kasi akong nginingitian kapag nakakasalubong ko sya sa munisipyo. Halos araw- araw ko syang nakikita dun, kaya ang akala ko, isa sya sa mga utility dun. Langya, hindi ko alam na konsehal pala sya. Tawang-tawa ako sa sarili ko ng mga pagkakataong yun.

Ilang sandali pa ay tuluyang na kaming nakapasok sa loob ni mama. Sa wakas, eto na. Makakaboto na ko, sa kauna-unahang pagkakataon makakaboto na din ako.

Pagkaupo ko sa silya, nakita ko ka-agad yung marker. Nakakatuwa naman, ilang saglit na lang makakaboto na ko. Nung una, hindi ko inisip na magiging mahirap yun, bakit naman ako mahihirapan? Anong mahirap sa pagsha-shade ng bilog na hugis itlog? Wala naman 'di ba? Uunahin ko yung mga iboboto ko, tapos kung kukulangin pa, isusunod ko yung mga kilala ko, at kung kulang pa rin, madali ng magtok-tok palatok.

At nagsimula na kong bumoto. So far, so good. Shade lang ng shade, pero habang nakaupo ako at seryosong nag kukulay, napaisip ako. Tama kaya tong ginagawa ko? Tama kayang manghula na lang ako at sayangin ang aking unang pagkakataon sa pagboto? Marahil may mga 2 minuto din akong natigilan.


Mali, mali 'to.
Sa pagpapadalos dalos ko sa pagboto, maraming maaaring magbago. Hindi lang sa buhay ko, kundi pati na din sa buhay ng ibang tao. Hindi ito katulad ng Prelim Examination na kapag bumagsak ka, eh pwede kang bumawi sa Midterm at Final Examination. Ang pagkakamali mo sa pagboto ay hindi mo kayang pagsisihan sa loob lamang ng isang araw. Kundi sa matagal na panahon.


Nakasalalay sa mga kamay mo, ang ikauunlad o ikababagsak ng bayan at bansa mo.


Hindi man ako sigurado sa ibang binoto ko, umaasa at naniniwala pa din ako, na may magagawa sila sa ikauunlad natin. Sana hindi ako nagkamali sa pagpili sa kanila, dahil kung hindi nila matutupad ang sinumpaan nilang plataporma. Hindi lang ako ang masisiraan ng tiwala sa kanila, kundi lahat ng tao na nakarinig at nakasaksi sa panunumpa nila.

Monday, April 26, 2010

San nga kaya?

...'sige tol bukas ulet'...


pagpapa alam ko sa aking mga kaibigan bago ako tuluyang pumasok sa aming bahay. Tulad ng dati, galing na naman sa galaan. Parang dun na lang ata umiikot ang buhay ko...


Gigising.. babangon.. kakain.. maliligo.. papasok sa school.. at syempre gala pagkatapos ng mga klase. Madalas na ginagalaan ko? Department Store. Masaya kasi magpabalik- balik dun, hindi nakakasawa.


Madami- dami na din akong napuntahang Department Store, merong nagtagal ako, merong parang pumasok at lumabas agad na animo'y nakasalubong ang mga magulang na ang alam ay pagkatapos sa school ay sa bahay ang tuloy, meron din naman na parang nagpalamig lang sa aircon sa loob at lumabas din, at meron din naman na halos dun ka na tumira.


Pero ngayon? Nagbago ang pananaw ko, iba ang dating sa akin ng Department Store na to. 'Chuva Department Store'. Okay naman sya, masaya ako kapag nakakapunta ako dito. Parang sobrang welcome ako dito, halos kumpleto lahat, kung ang mga tauhan naman ang pag uusapan, magaling naman ang mga staff dito, mahigpit, mabait at napaka understanding. Kaya nung una, akala ko, ito na yung permanenteng gagalaan ko. Alam nyo ba yung pakirmdam na, kahit anong gawin mo sa loob ay okay lang. Ganun ang naramdaman ko ng mga araw na nananatili ako sa pagtambay sa lugar na yon.



Hanggang sa...


May nagbukas na bagong department store malapit sa 'min. 'Eklavu Department Store'. Mukhang okay din naman, pero nung una, hindi ko pinapansin, kasi meron na nga akong paboritong lugar. Pero sa paglipas na araw, napansin kong humihigpit sa paborito kong lugar, ang dami ng bawal, ang dami ng hindi pwede. Alam nyo ba yung pakiramdam na para kang kriminal na pumasok sa loob, wala silang tiwala, at laging diskumpyado.


Sa patuloy na paghihigpit sa CDS, naisip ko ang bagong Department Store malapit sa min.


Bakit nga kaya hindi ko subukang pumasok dun.


Hindi nagtagal, pumasyal ako sa EDS. Okay din katulad ng CDS, binibigyan nila ako ng malaking discount at kung minsan, halos libre na. Ayos to, masaya. Habang tumatagal, nagiging kumportable na ko dito, mas okay dito, hindi gaanong mahigpit, at kahit anong oras pwede kung puntahan kung sakaling kailanganin ko.


Ngayon ko napag- isip isip na tama pala ang sabi nila.. Walang dalawang lugar ang mayroong parehong katangian at wala ding lugar na perpekto...


...katulad ng tao, imposibleng makita mo ang lahat ng katangiang hinahanap sa isang tao lang.

Mahirap man ipaliwanag, pero ganun din ang nararanasan ko. Pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung sino ang pipiliin ko.


Tulad na lang ng dalawang Department store, san kaya ako mananatili, sa una na sigurado na ko o sa pangalawa na masaya ako.


Ewan ko, hindi ko alam.



...''it is really hard to choose between the two things when you know that you like them both''.



Sana makapag disisyon na ko, at sana din, tama ang magiging disisyon ko at hindi ko pagsisihan sa huli.

Wednesday, April 14, 2010

Comedy Show

...just chew it with the bubble gang...


Bubble gang, isa sa mga pinaka-sikat na comedy show sa bansa ngayon. Pinapatawa tayo, tinutulungan ngumiti at pansamantalang limutin ang mga problema. Pero sa likod ng mga pagpapatawa ng mga artista sa TV, tunay din kaya silang masaya?


Napapaisip ako minsan. Isa kasi ako sa mga pinaka- magulo, palatawa, kalog, at maingay na tao sa buong universe. Oo masaya talaga ako, sa nakikita ng karamihan... pero pag dating ko sa loob ng bahay, eto na... nawawala na ang pagiging masayahin ko.


Tulad ng mga artista, marahil kapag nasa backstage sila, iniisip din nila yung mga personal nilang problema... tulad na lang ng, saan kaya ako uuwi ngayon? nag-away kami ni misis, o di naman kaya, iniisip kung anong magandang pasalubong sa mga anak na nag-iintay sa bahay. Iiniisip kung pano matatanggal yung mga tumutubong wrinkles sa mukha... madami pang ibang posibleng dahilan, at marami ding posibleng paraan.


Sa pag dating ko sa bahay namin, ayos lang naman. Kumpleto pa rin kaming lima, si papa, si mama, ako, si neneng at si totoy. Mukhang masaya no? Kahit ako masaya din, kasi kahit papano, magkakasama pa din kami sa iisang bubong, magkakasama... kahit na pisikal na katauhan na lang ang nag-uugnay. Emosyonal? ewan ko. Hindi ko alam, basta kumpleto kami sa mata ng iba at mata ko, ayos na. Kahit papano matatawag pa din kaming 'PAMILYA'.


Parang kailan lang, kina-iinggitan kami sa pagiging malapit namin, super close kung baga. Daig pa ang dinikitan ng epoxy at mighty bond. Hanggang sa isang araw... dumating ang hindi inaasahang bangungot.


Nung gabing yon, ayoko ng matulog, mas pipiliin ko pang mag-pasting ng pag tulog kesa naman pag gising ko kulang na kami ng isa.
Pinilit kong manatiling gising pero natalo ako ng bigat ng talukap ko. Marahil siguro sa pagod kakaiyak. Hindi ako mapalagay, hindi matahimik. Maya't maya ako bumabangon sa higaan ko para tignan ang mama na natutulog sa sofa, si papa na hindi alintana ang mga kagat ng lamok, sina neneng at totoy na mahimbing ng natutulog. Ilang oras pa ang nakalipas, nawala na ang pakikipaglaban ng kaluluwa ko sa kalaban nitong antok. Tuluyan akong nakatulog.

Pag gising ko sa umaga, dali-dali akong bumangon para tignan si mama. Nandito pa naman sya sa bahay, nag-hahanda pa lang ng mga gamit nya.


Habang tinitignan ko sya sa pag-iimpake nya, hindi ko mapigilang umiyak. Bakit kailangang dumating sa ganito?

Bakit kailangang umalis ang isa?


Sa pag-iisip ko, tama si mama. Para matigil na ang lahat kailangan umalis sya at magparaya kay papa. Pero pano kami? Hindi pa namin kaya.


Abot-abot ang pag mamaka-awa ko kax mama na wag muna umalis, intayin na lang muna nya ko, habaan pa nya ang pasensya nya, para na lang sa aming tatlo...



Isang taon... isang taon ang hinihingi ko kay mama, isang taon na lang ng pagtitiis at pagpapasensya. Isang taon na lang, sama- sama na kaming aalis ng mga kapatid ko.


Pero kahit ganun, hindi pa rin ako nawawalan ng pag- asa na magiging ok din ang lahat, babalik din kami sa dati, magiging masaya na ulit kami.


Comedy show, masayang panoorin, madali kang makakatakas sa mga problema at sa kalungkutan. Ang pagtawa na marahil ang napaka gandang maskara para sa lahat. Pilit nitong kinukubli ang kung ano mang pangit ang nararanasan at nararamdaman natin. Kung pwede nga lang hindi na tayo tumigil sa pag-tawa. Pero lahat ng bagay may katapusan, tulad ng pagtatapos ng comedy show, natapos na din ang pasensya at pagtitiis ni mama at kasabay non... ang pagtapos sa respeto ko kay papa.


Sana may gamot na kasama ang pagtawa. Gamot na kayang magpabalik ng mga nangyari para itama ang lahat ng mali. Pero sabi nga, wala kang matututunan kung puro tama ang gagawin mo buong buhay mo. Kaya siguro kahit script writer, kailangan din magkamali para maging magaling na script writer. Kung pwede lang i-edit ang buhay ng tao, i-e-edit ko yung parte na nawala yung saya sa pamilya ko. Ide-delete ko lahat ng mga hadalang sa sayang yun. Pero nangyari na ang nangyari at nagawa na ang nagawa.


Pag-iintay, yun na lang kinakapitan namin ng mama ko. Parang pag-iintay sa mga comedy show. Marahil isang araw, magiging masaya din kami.


Kung makukumpleto kami, edi mas masaya di ba?


Kung makukulangan ng isa, edi pipiliting maging masaya.


Ganyan lang ang buhay, kailangan makisabay, kailangan maging handa...


Sabi nga ng kaibigan kong si Leo....


'you will find happiness, when you accept the almost unacceptable'.



I'm still hoping for the real meaning of happiness within this family, sana maging masaya na ulit kami... hindi lang physical... sana pati emotional....

Friday, April 9, 2010

Pretend

'Neng, kamusta? Bakit ang lungkot mo ata? Hindi bagay eh, bakit?'. Pabirong bati ko sa besfriend kong si Len. Agang-aga kasi nagdadrama. Problemado. Malungkot. At higit sa lahat. Problemado talaga. 'Tara kain tayo sa canteen', sabi ko. Hindi naman sya nagdalawang isip na sumama. Umorder ako ng carbonara,spaghetti at softdrinks pero sya softdrinks lang. Takteng babae to, magpapakamatay ata. 'Hoy, ano yan? Nagda-diet ka ba o nag-aayuno?', magkasunod na tanong ko sa kanya. Pero hindi sya kumibo, sa halip binirahan na iyon ng tungo sa mesa at katulad ng inaasahan ko... Umiyak sya. Alam ko na, may problema sila ni Lesry o ang mas masama pa, break na ata sila. Hinayaan ko na lang sya at inubos ang pagkain ko. Pati na din yung softdrinks nya, masasayang din naman eh, mas mabuti ng mapunta yun sa mabuting tiyan. Naaawa ako sa kanya, pero wala akong maisip na maipapayo sa kanya. Kung pwede nga lang ako na lang ang mag-shoulder nung nararamdaman nya pero hindi pwede. Iba sya, iba ako. First boyfriend nya kasi si Lesry kaya siguro ganun. Pag uwi ko, si Len pa rin ang nasa isip ko. Gustuhin ko mang kausapin at tanungin si Lesry, pinigilan ko ang sarili ko. Some questions are better left unasked. Problema nila yon, walang ibang dapat umayos kundi sila. Kinabukasan, pag pasok ko, ganun pa din sya. Kaya minabuti ko ng magbigay ng payo. 'Alam mo neng, kung talagang mahal mo sya ipaglaban mo. Wag mo syang hayaan na maagaw ng iba'. Naks, pakiramdam ko isa akong DJ sa radyo na nagbibigay ng payo sa mga may problema, with matching background music pa na Pretend by Secondhand Serenade. Hindi ko alam kung tatanggapin o gagawin ni Len yung mga sinabi ko. Pero sana lang maging okay na sya. Buti na lang wala akong problema sa lovelife ko. Nagkakamabutihan na kami ng crush ko, hihintayin ko na lang sya umamin. Natatawa ako habang iniisip yun, at biglang nag-vibrate yung phone ko. Langya, naka-silent mode pala ako kaya nagbi-vibrate. Katulad ng inaasahan ko, galing sa crush kong si E-jie ang message. Weee, kinikilig na naman ako at napapa-ngiti habang binabasa yung text nya. Abot tenga na ang ngiti ko habang nagre-reply ng may biglang bumatok sa kin. 'Aray'. Hayup, ang makulit ko palang classmate, si Aldrek. Kontrabido talaga sa buhay ko ang taong to; hindi ata mabubuo ang araw nito kapag hindi ako ginagalit. 'Yabang', yun lang ang nasabi ko nung mapansin kong medyo malayo na pala sya sa akin.

Pag-uwi ko sa bahay, nag-load ako para ma-replyan si E-jie. Bago matapos ang conversation namin. Nag-good night ako sa kanya at sinabihan ko sya ng 'I Love You', pabiro lang yun pero syempre half-meant. Hindi ako umaasang sasagot sya, pero nagkamali ako. Nung nag-reply sya may 'I Love You Too' na sa huli. Pakiramdam ko panaginip lang, nagpa-gulong gulong ako sa higaan ako, pero napasobra ata kaya nahulog ako. Nung maka-recover ako, tinignan ko ulet ang phone ko. Totoo nga. Ano kaya ibig sabihin non?. Kahit nalilito, natulog akong masaya na para bang tumama sa lotto. Kinabukasan pag pasok ako, pinakita ko sa mga kaibigan ko ang text ni E-jie. Tapos tinanong nila ko, 'kayo na?'. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Alanganing oo at hindi. Sa kalagitnaan ng pagtatawanan namin may biglang nagsalita. 'Hay nako, wag ng umasa baka masaktan lang', pag lingon ko, si Aldrek lang ang nandoon, wala syang tinutukoy na pangalan pero alam ko para sa akin yon. Hindi ko na sya pinatulan, ayokong masira ang araw ko. Isang linggo ang nakalipas, nagtext sa akin si E-jie. Gusto nyang makipagkita. Hindi ko alam kung ano ang iisipin, magtatapat na kaya sya? Waaa kinikilig ako, sa wakas official din na magiging kami. Nagkita kami sa isang coffee shop sa may Cainta. Kinakabahan ako pero excited. Pag dating ko dun, nakita ko syang naka-upo. 'Hi' binati ko sya kasabay ng napaka gandang ngiti ko. 'Oy, lika upo ka'. Umorder sya ng cake para sa aming dalawa. Ang sweet naman, kami na ata talaga at eto ang first date namin, anong date ba ngayon? 3. Ah 3 pala ang monthsary namin. Ang saya. Pero hindi ko isinatinig yon. Pinapanood ko lang sya habang kumakain ng mapatingin sya sa kin. Bigla syang natigilan at siryosong tumingin sa 'kin. 'Gea, hindi na 'ko magpapaligoy-ligoy. Matagal ko na din kasi tong gusto sabihin'. Langya, kinakabahan ako, ano ba? Bakit pinapatagal pa nya. 'Sige lang, makikinig ako', yun lang ang nasabi ko ng hawakan nya ang mga kamay ko. 'Gea, it's hard for me to say this pero, I can't take this anymore. Gea, kalimutan mo na ko. Lalo ka lang masasaktan kung patuloy kang aasa na mamahalin din kita'. Ano daw? Para 'kong binuhusan ng malamig na tubig bigla akong natigilan. Natulala ako sa sinabi nya, hindi ako makagalaw, pakiramdam ko, ayaw mag-function ng utak ko sa narinig ko. Tumayo na sya at sinabing, 'You deserve someone better than me', tapos umalis na sya. Parang tumagos sa kabilang tenga ko yung sinabi nya, then I found my self-- Crying.

Ngayon alam ko na yung naramdaman ni Len. Ang sakit pala. Pag-uwi ko sa bahay. Nagkulong ako sa kwarto, umiiyak pa din ako, basang-basa na ang pillow case at blanket ko kakaiyak ng may kumatok. 'Gea, kakain na'. Boses ni mama yon pero hindi ko pinansin. Maya-maya, nagbukas ang pinto. At alam ko lumapit sa kin si mama. 'Anak, may problema ba?'. Bumangon ako sa pagkakahiga, i slowly touch my chest, 'There's no blood Ma, but why does it hurts here'. Minsan pala kailangan mong maging malakas para sabihing mahina ka. Niyapos ako ni mama. Sinabi nyang, 'hayaan mo na yun, hindi mo sya mapipilit, tandaan mo anak, sya ang nawalan, hindi ikaw'. Kahit papano naging okay ang pakiramdam ko. Kinabukasan, Saturday nagpunta ako sa bahay ng lola ko, syempre para maaliw na din kahit papano. Habang naka-upo ang lola ko sa rocking chair sa harap ng malaking bintana, tumabi ako sa kanya at tinanong sya. 'Lola, pano nyo natanggap na wala na si Lolo', natawa sya sa kin. 'Alam mo Gea, hindi ko ganun kadaling natanggap na wala na ang lolo mo, matagal bago ko natanggap'. Ang sagot sa kin ni lola. Nagtanong ulit ako, 'ano pong ginawa nyo para kalimutan sya'. 'Itinuon ko lang sa ibang bagay ang isip ko, kasi kung patuloy ko syang iisipin, hindi ko talaga sya makakalimutan'. Napaisip ako ng sabihin sa 'kin yun ni lola. Tama sya, kung patuloy mung iisipin, hindi mo nga sya makakalimutan. Kaya pagkauwing pagkauwi ko sa bahay, inalis ko ang lahat ng bagay na makakapagpa-alala sa kin kay E-jie. Simula ngayon, kakalimutan na kita. Yun ang sabi ko sa sarili ko. Pag pasok ko sa school, pinilit kong ngumiti, tang ina ang hirap pala kapag broken hearted ka, pati sarili mo pina-plastic mo na. 'Neng anong ngiti yan? Ngiting aso?', biro sa kin ni Len. Mahirap pala ang ganitong pakiramdam, mukha ka ng tanga. Tsaka ko lang naisip yung sinabi ko kay Len na ipaglaban mo kapag mahal mo. Mali ata. What if the person you love sacrifice you just to have another love, do you fight and never give up? Ako? Lalayo na lang. Baket?... Sinuko nya ko eh, tapos ipaglalaban ko sya. Kalokohan. Talagang kakalimutan ko na sya. After a few weeks, na adik ako sa online chatting, ayun, merong isang guy akong nakilala, super bait nya talaga. Sa kanya ako nag share ng naging problema ko tungkol kay E-jie. Ang sabi nya sa kin, 'bakit hindi mo i-try na buksan ang mata mo, alam ko may nagmamahal pa sayo, nahihiya lang siguro'. Medyo na confuse ako sa sinabi nya sa kin.


Kilala kaya ako nitong mokong na to? Napaka- mysterious kasi nito. Kemikalromansa. Kilala nga siguro ako nito. After a couple of months niyaya nya akong mag-eye ball sa isang mall. Medyo matagal-tagal na din. Siguro pwede na kong mag-mahal ulet. Sabi nga kung anong dahilan ng sakit, yun din ang gamot. Mabait naman si kemikal, malay mo? 'di ba?. '3pm sharp'. Huling pm (personal message) nya sa kin. Kinabukasan, eto na, the moment of truth. Magkikita na kami ni kemikal. Dahil nakaugalian ko ng ang filipino time, 4pm na ko nakarating sa mall. Naku, late na ko, patay. Hinanap ko sya sa may 2nd floor, dun daw kami magkita eh basta daw naka-black sya, dun daw sya uupo malapit sa higanteng spongebob at dora. Ilang saglit ng maglinga-linga sa paligid at BINGO, ayun, nakita ko na. Walang duda, sya na to. Sya lang ang nag iisang nakaupo dun eh, lumapit ako. 'Excuse me, ikaw ba si kemikal? sorry kung medyo na late ako ha, traffic kasi eh (charing traffic daw). Kanina ka pa?', painosenteng tanong ko. 'Hindi, kakarating ko lang, hi nice to meet you Yukka or should i call you Gea', nagulat ako sa sinabi nya, kilala nga nya ako. Hindi ako makapaniwala ng tumayo na sya at inalis ung cap nya. Langya, ang dakilang kontrabido, si Aldrek na laging menopause at high blood. 'Ikaw?!'. Hindi talaga ako makapaniwala, at lalong hindi ako makapaniwala ng bigyan nya ko ng stuff toy. And for the first time, nakita ko din syang ngumiti sa kin. Cute din pala tong mokong na to. 'Salamat'. Yun lang ang nasabi ko. Ayun, nagmula dun ang pagiging close namen ni sunget. At ng tumagal, nanligaw sya sa 'kin. At nang mas matagal pa, as in matagal talaga. Sinagot ko dun sya. Ang saya naman, sobrang bait ni Aldek. April 17 ng muling mag-krus ang landas namin ni E-jie, katulad ng dati, hindi ko pa din sya pinapansin. Bigla nya kong tinawag, 'Gea'. Syempre, para hindi mapahiya, nilingon ko. 'Ano yun?'. Lumapit sya at nagtanong, 'galit ka pa din ba sa kin?'. Sumagot ako, 'hindi no!'. 'Para kasing galit ka pa eh', sagot pa nya. 'Hindi na nga, sa ganda kong to po-problemahin kita? Patawa ka'. Yun lang sinabi ko at umalis na ko. Yes nakaganti na ko, good luck na lang sa kanya, masaya na ko sa Aldrek ko. Salamat na lang, totoo pala yung sinasabi nila na kapag nagsara ang pinto, may bintanang magbubukas.

Wednesday, April 7, 2010

Ang Baso

'Tol, male-late lang ako ng kaunti'. Text ko sa barkada ko Biyernes ng umaga, birthday kasi nya kaya kumpleto na naman ang tropa. Syempre, alaman na kung ano ang naghihintay pag dating ko dun. Alak. 'Hoy tagay', bungad nila pag dating na pag dating ko. Masasagian na naman ng alkohol ang bituka ko. Tandang tanda ko pa nung una akong nakatikim ng alak, 4th year high school, pagkatapos ng cheering. Sa rest house ng barkada ko; Vodka. Vodka ang unang alak na sumagi sa katawan ko, matapos ang inuman, bumagsak ako. Bagsak talaga, suka ako ng suka, lambot na lambot ako. Hindi ko alam kung sino-sino sa mga barkada ko ang naglinis ng mga suka ko. Ganun pala ang epekto nun, masarap lang pakinggan pero mahirap sa katawan. Hindi iyon ang huling pag iinum ko, nasundan at nasundan pa ang pag iinom ko. Lahat yata ng mapuntahan kong birthday hindi mawawala ang alak. Pakiramdam ko nga ok lang mawala yung ibang mga ka-tropa wag lang mawala ang presensya ng alak, para bang hindi matutuloy kapag walang alak. Dala ko ang pag-uugaling iyon hanggang sa mga college ako. Third day of school naglalakad kami ng dalawang barkada ko nang nag-aya ng inuman ang mga bagong bagong classmate namin. Evening class kasi ang schedule ng section namin, at yun ang alam ng mga magulang namin. Tuloy ang inuman, mula ata alas-4 hanggang alas-8 nag-iinum kami. Hindi lang yun ang nagawa kong katarantaduhan nung nasa college ako, minsan hindi ako napasok makapag inom lang. Isang beses nga, half day lang kami sa hapon lang ang pasok namin, 2 lang ang subject namin ng hapon na yon. Hindi nagturo yung instructor namin ng 1st period kasi inter-campus namin, so tambay sa computer shop. Nakumpleto ang barkada, at nangyari ang inaasahan. Inuman. Hindi na kami pumasok sa next subject namin. Pakiramdam ko yun na ang pinaka malaking kasinungalingan na nagawa ko sa mga magulang ko. Nakaka-guilty. Hanggang sa isang araw, parang may sumapi sa king mabait nga anghel at natauhan na ata ako. Unti-unti akong dumidistansya sa mga dating barkada ko. Madalas na akong mag isa, at kung minsan, sumasama dun sa ibang classmate ko na matino. Naging maganda din naman ang pakikipag-halubilo ko sa kanila, minsan naririnig ko yung mga dati kong barkada na nagpa-plano tungkol sa inuman. Hinihintay kong imbitahin ako, pero hindi. Hindi nila ako inaya. Masakit, masakit pala yun sa pakiramdam. Pero andun naman yung mga bago kong kaibigan, nakaka-move on ako.Dumating ang araw ng tour. Yung mga bago kong barkada ang
mga katabi ko. Yung mga dati kong barkada, sila-sila pa
din ang magkakasama. Kahit masaya ang tour, malungkot pa
din. Minsan napapaisip ako, pano kaya kung hindi ako
humiwalay sa kanila? Ano na kaya ang itsura ko ngayon?
Natapos
ang first semester, tuluyan na akong lumayo, hiwa-hiwalay
na din yung mga barkada ko dati pero patuloy pa din ang
pagsasama nila sa inuman hanggang sa isang hapon. Naglalakad
kami ng mga classmate ko ng marinig kong may tumawag ng 'tol',
galing sa isang tricycle na nakaparada ang boses. Nilapitan ko,
nakita ko yung mga barkada ko dati sa inuman. Syempre kumustahan,
nung sila naman ang tanungin ko malungkot nilang binalita na andun
ang mga magulang nila sa office ng dean namin para ipa-drop sila.
Nagulat ako. Baket? Anong nangyari?. Naguguluhan ako, biglaan ata.
Kinuwento nila, nagsimula ang lahat sa inuman. Sila-sila pa din ang magkakasama,
at hindi sinasadya inabot sila ng gabi at sa hindi inaasahan hinahanap na
pala sila ng kani-kanilang mga magulang at iyon nga, iyon ang naging
resulta ng pag-iinom nila. 'Sige tol, may klase pa ko', pagtatapos ko
ng dibdibang pakikipag usap ko sa mga dati kong mga barkada. Habang
naglalakad, napapaisip ako, para akong binunutan ng tinik dahil
hindi ako kasama sa kanila nung mangyari yun. Pero nalulungkot
ako para sa mga barkada ko dati. Hindi ko alam, gulong gulo pa
din ako. Parang may halong awa at tuwa. Awa kasi naging mga
barkada at nakasama ko din sila; ilang problema at mga walang
kwentang usapan ang nabuksan namin sa isa't isa. At tuwa, kasi
hindi ako kasama sa kanila. Hindi naman sa naging sadista ako
sa pagkakataong iyon. Pero sabi nga, lahat ng mga kasalanan ay
may kauukulang parusa. Iyon marahil ang nararapat na parusa sa
kanila, dahil hindi nila agad nabigyan ng importansya ang
pagkakataong ipinagkaloob sa kanila. Sayang. Sana nahikayat
ko sila. Pero di ba nga, may kasabihan na 'you cannot please
everybody'. Mahirap magsalita, pero huli na ang lahat.
Patuloy ang buhay. Pag gising sa umaga, papasok, aattend sa mga
subject, sasagot sa graded recitation at kinahapunan, uuwi ng
maraming iniisip. Mga homework, project, iba't ibang appointments
kung meron man, at kung may pagkakataon, ang pag-iisip sa mga
nakakakilig na nangyari sa inyo ng boyfriend o ng crush mo kung meron lang din.

At sa paglalakad mo, bigla ka na lang maalimpungatan na muntik ka na
palang maka-apak ng 'street cake' o mas kilala sa tawag na dumi o tae.
Pag dating sa bahay, kakain, gagawa ng dapat gawin kung sinisipag at matutulog.
Patuloy ang takbo ng buhay estudyante, paulit- ulit. Nakakasawa. Nakakapagod.
Sa pagsusumikap ko ngayong semester, isa ako sa mga naging pinaka magaling sa
aming klase, ewan ko. Dahil din siguro sa gusto kong makabawi sa mga kasalanan
ko sa mga magulang ko. At sa pagtatapos ng ikalawang semestre, sa awa ng Diyos.
Nag bunga ang mga pinaghirapan ko. Mataas ang lahat ng grades ko, sa unang limang
class card na nahawakan ko, isa ang 1.5 at apat ang 1.75. At kung siswertehin pa,
posible akong mapasama sa dean's list. Ang saya. Iba talaga ang pakiramdam kapag
nakikita mo ang lahat ng pinaghirapan mo. Kahit papano, nagpapasalamat ako sa mga
dating barkada ko at sa alak.
Kung hindi dahil sa kanila, hindi siguro ako magiging ganito kasigasig sa pag-aaral. Patuloy pa rin ang pag-ikot ng baso sa inuman, parang pag-ikot ng mundo. Ilang laway na ba ang nalasan mo dahil sa umiikot na baso tuwing inuman, ilang tao na ba ang hindi mo inaasahang nakilala mo dahil sa inuman? Ilang lugar na ba ang napuntahan mo dahil sa inuman? Inuman. Inuman. Inuman. Makikita mo kahit saan. Kasama mo sa tagumpay at kabiguan. Kasama mo sa ligaya at lumbay. Sa tamis at pait ng buhay. Hindi mawawala ang inuman. Ako, aminado ako. Nabigo ako ng dahil sa barkada at alak noon. Pero nagsumikap at unti-unting nagtatagumpay ngayon. At sa nararating kong tagumpay, ang barkada at alak ay nandyan pa rin. Hindi man ito kasing dalas ng inuman dati, ngunit mas nagkakaroon naman ng mas magandang dahilan para magkasama-sama at mabuo ulit ang barkada, at maidaos ang makahulugang inuman. Kung nasan man ako ngayon at kung ano ang narating ko, salamat sa alak. Kasama kita sa pagbagsak at muling pag-angat ko. Kaya sa lahat ng makakabasa nito. 'Tol, tagay ka!'

For the last time

'Hoy yukka, anong ginagawa mo?'. Bigla akong nagulat sa pagtawag pansin sa akin ng barkada ko. Dumating na pala ang instructor namin sa English. Pumasok ako sa loob ng class room ng dismayado. Hindi ko pa rin nakikita ang gusto kong makita at hindi ko pa din nahahanap ang gusto kong mahanap. Nakaupo na ako sa loob ngunit nananatiling nakatingin pa rin ako sa labas. Nagbabakasakali na dinigin ng mga anghel ang hiling ko, 'sana dumaan na sya'. Pagkalipas ng 5, 10, at 15 minuto na pagtunganga ko sa labas. Nagulat ako sa pagtawag sa kin ng instructor namen. 'Yukka, if you want to stay outside, magluwag ang pinto'. Tang ina, nakakahiya, rinig yon ng mga classmate ko, lalo na ng crush kong si kemikal. Langya naman oh, ano bang nangyayari sa 'kin. Nang dahil lang sa lalaking yun magkakaganito ako? No! Mali, mag-isip ka Yukka, ang career mo o ang lovelife mo. Syempre ang lovelife ko. Natawa ako sa isiping iyon, hanggang sa mapalingon ako sa may pinto, at milagro ngang dininig ang hiling ko. Dumaan ang taong pinapangarap ko. Hay, kung alam lang nya. Hindi ko alam kung anong meron sya at mahal na mahal ko sya. Sa bawat araw na nagkakasalubong kami, para akong matutunaw. Hanggang sa isang araw, intrams namin nanonood kami ng mga barkada ko ng cheering competititon. Napalingon ako, andun sya, parang ayoko ko ng alisin ang mata ko sa kanya, ni-ayaw ko ngang kumurap o pumikit. Ang ganda kasi ng nakikita ko eh. Hindi na ko nagdalawang isip, pinakuha ko sa isang kabarkada ko, friendster account muna, ayun pumayag. Yes, nilubos-lubos ko na, pati number hiningi ko na din. Bindigay din naman. Dahil pareho kaming may browser sa phone, chat kami lagi. Minsan inaabot kami ng alas-2 ng madaling araw. I care for him and I think he also cares about me. Ayun, super close kami sa phone pero sa personal hindi ako makagalaw, ni- ayoko ngang magkasalubong kami eh, nanliliit ako sa hiya. Tumagal ng tumagal at ganun pa din kami, inamin ko sa kanya yung true feelings ko. Pero wala syang sinabi. Ang sabi lang nya 'i love you as a SPECIAL FRIEND'. Hindi ko alam kung anung mararamdaman ko, parang maiiyak ako. Sa disappointment? Hindi ko alam, broken hearted? Hindi ko din alam, dismayado? Malamang iyon nga. Oo, dismayadong dismayado nga ako. Asang asa. Pero ano? Wala din. Ang sakit, sobrang sakit. Pakiramdam ko end of the world na, wala na yung pangarap ko. Ngayon ko napatunayan na hindi lahat ng fairy tale may happy ending. One sided love will never ever work!